“Save for rainy days,” ito ang madalas nating marinig kapag pinaguusapan ang pagiipon. Pero marami ang hindi pa rin nakakaipon dahil hindi sila nasisiyahan sa pagse-save gamit ang kotekstong ito.
Ang ibig sabihin ng save for rainy days ay ang magipon para sa mga bagay na di inaasahang mangyari tulad ng emergencies at para din maghanda sa panahon ng kahirapan tulad ng kapag mawawalan ng trabaho.
Hindi ko sinasabing masama o hindi sapat gawin ang pagiipon para sa rainy days. Mahalaga ito.
Ang sinasabi ko lang ay baka mas maganda ang pakiramdam ng pagiipon kung ito babaliktarin natin ang kaisipan ng rainy days at gawin itong “save for sunny days!”
Ang ibig sabihin naman ng save for for sunny days ay ang pagiipon sa isang bagay a gusto na makapagpapasaya sa iyo tulad ng bakasyon, bagong damit o gadget at marami pang iba.
Samakatuwid, ginagawa mong inspiration at motivation ang bagay na gusto mo para makaipon. Epektibo itong paraan para ganahan sa pagiipon.
Kung paghahaluin ang saving for rainy days at saving for sunny days na strategy, siguradong makakaipon tayo. Sa ganitong paraan mapapangalagaan natin ang ating hinaharap sa mga di inaasahang pangyayari at pati na rin sa ating kasiyahan.
True po kayo diyan sir vince i started now to save for my wants also mas inpire ka talaga magipon at syempre balance padin kailangan hinde namang pwedi wants lang ang pagiipinan…
Salamat po 😊 and more power po s inyo Sir Vince. God bless you always.
SaLaMAt pO