Noong May 31, 2017 nagpalabas ng anunsiyo ang Department of Trade and Industry na magkakaroon ito ng lending program. Ang tawag dito ay Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso o P3.
Sa aking panayam kay DTI Secretary Ramon Lopez, sinabi niyang, “Ang P3 ay isang programang pinangungunahan ng gobyerno na magpapalaya sa mga micro at small enterprises sa pagkakaalipin sa mataas na interest ng 5-6 loans.”
“Ang P3 ay magbibigay sa kanila ng mas magandang daan upang mamakuha ng mas mababang interest sa pautang para sa kanilang negosyo. Sa pamamagitan nito, inaasahang tataas ang kanilang kita upang mapagbuti ang kanilang negosyo at kanilang pamumuhay,’ dagdag ni Mr. Lopez.
Sa pamamagitan ng P3 program, inaasahang:
- Mas mabilis ang pagpapautang – usang araw lang ang pag-proseso
- Mas mababang interest rate – Maximum na 2.5% kada buwan at
- Magaan ang pagbabayad – araw-araw o lingguhan ang koleksyon
Maaring makahiram ng mula PhP5,000 hanggang PhP100,000 sa programa at mababayaran ito sa loob ng anim na buwan o hanggang isang taon. Ang programa ay may nakalaan nang PhP1 Bilyong pondo mula sa gobyerno.
Hindi ipinapatupad ng direkta ng DTI ang program. Mayroon itong mga conduits na natukoy sa pamamagitan ng Small Business Corporation. Maari kayong magtungo sa mga Negosyo centers nationwide para sa inyong mga karagdagang katanungan.
Para sa listahan ng mga accredited conduits na maaring makunan ng pautang, i-click ito.
Piliin kung saan ang inyong rehiyon.
Pano po kami makaka utang ng puhunan nag gusto po kasi namin ng asawa ko mag alaga ng baboy kaya lang kulang kami sa puhunan. Please sana po makautang kami para may pang puhunanan kami ,
paano po makapag hiram ng puhunan taga taguig po kasi ako