3. PERA account
Ang isa sa mga magandang paraan para i-kick off ang iyong retirement fund ay sa pamamagitan ng Personal Equity and Retirement Acount o PERA account. Ito ay isang voluntary retirement fund account na pang-augment o pang-dagdag natin sa SSS.
Maraming tax incentives ang PERA. May tax credit na makukuha at exempted din sa income tax at estate tax upon retirement. Maaring mamili ng iba’t-ibang klase ng investment fund kung saan ilalagay ang pera mo sa PERA account.
Ang aking guideline ay ganito, habang bata pa, maaring ilagay sa more aggressive funds such as equity and balance funds. Pero kapag nagkaka-edad na, ilagay na dapat ito sa more conservative funds katulad ng bond fund o money market fund.
Make a financial plan
Ang mga ito ay personal preferences ko lamang. When choosing investments, you must match these with your investment goals. Kaya napaka-importante na gumawa ng financial plan.
Wala ding substitute sa pagaaral sa mga nais pasuking investments. Kung wala kang sapat na kaalaman sa isang klase ng investment, huwag itong pasukin.
Ang isang senyales na hindi ka pa handa sa papasuking investment ay kung maya’t maya ay kinakabahan ka sa papasukin mo o kaya naman ay hindi mo maintidinhan nang lubusan ang ang investment. Kapag meron ka nito, maiging ipagpaliban muna ang pagi-invest at pagaralan muna ito.
Mahirap mag-ipon ng pera para pang-invest kaya ingatan natin ito at piliin nang mabuti ang mga papasuking investment
You can start making your financial plan using this easy to use guide: “Paano gumawa ng financial plan?”