was successfully added to your cart.

Cart

The Right Savings Mindset

By August 13, 2018 Savings

Usapang Pera Season 3 Episode 1

Sir Vince: Ikaw ba Atom meron ka bang pinag-iipunan ngayon? 

Atom: So, Vince, maraming salamat sa oras mo. Alam kong marami kang ginagawa. Ang dali mong hanapin sa internet pero gusto ko lang matutunan yung mga basics about managing my finances or yung usapang pera. The first thing… the only thing that I know is this concept of saving. 

Sir Vince: Yeah. 

Atom: So, tell us about savings. Meron pa bang mas malalim na konsepto sa likod niyan?

Sir Vince: Kapag… ang mga tao kasi, when they talk about money management, gusto nilang lampasan agad yung savings at tumalon agad sa investments. Pero sa tingin ko, dapat savings yun yung minamaster muna natin. Ikaw ba Atom, meron ka bang pinag-iipunan ngayon?

Atom: Wala naman in specific. Siguro, somewhere down the line baka gusto ko ng bahay. 

Sir Vince: Okay.

Atom: Maybe, another car? I dunno. Ito yung mga usual na mga stepping stone natin sa ating buhay, hindi ba? Mga benchmarks. 

Sir Vince: Right. Wala bang ano diyan? Wala bang pag-iipon para sa kasal?

Atom: Wala pa.

Sir Vince: Savings is the postponement of the pleasure of spending. 

Sir Vince: Okay, sige, the way I define savings is not the traditional one. I define it based on behavior. So, kung ipinagpapaliban mo yung kagustuhan mong gumastos, para sa akin, nagse-save ka na.

Atom: Para sa mga hirap na hirap magsave, ano ba yung mga dapat nating alalahanin para magkaroon tayo ng savings? Tsaka, meron bang ano yan, yung narinig ko before, dapat 20% ng income mo?

Sir Vince: Right.

Atom: Anong tingin mo sa mga ganong mga suggestion?

Sir Vince: Oo. Yung savings kasi, function yan ng pag generate mo ng income at saka paggasta. So, kung gaano ka ba kagaling na magcreate ng income at kung gaano ka naman ka-disiplinado na magcontrol para sa iyong expenses. Pero sa kulturang Pilipino, pag sinabi mong mag-ipon, ang unang pumapasok agad sa isip nila ay pagtitipid.

Atom: Correct.

Sir Vince: Okay. At ang psyche ng pagtitipid ay para sa akin, hindi siya enjoyable. 

Sir Vince: Hindi enjoy ang magtipid. The truth is we derive pleasure from spending.

Sir Vince: So, ikaw ba, natutuwa kang gumastos? 

Atom: Natutuwa. Natutuwa siyempre. Retail therapy ang tawag nila dyan. Pero ako kasi, I tend to know what I need. Tapos, pag nabili ko siya, very rarely do I have what is called “buyer’s regret” yung parang, “Ay, hindi ko pala siya kailangan.” 

Sir Vince: Oo. So, yung maganda yung sinabi mo na nasisiyahan ka kapag gumagastos kasi gusto kong i-emphasize yan na huwag nating kakalimutan na may pleasure in spending. At kanya-kanya yan, kung ikaw, sabi mo, sa sasakyan or whatever, sa ibang tao, iba rin yun. Ang mahalaga, alam mo kung ano yung nagpapasaya sayo at yun yung gagamitin mong motivation and inspiration mo to save.

Sir Vince: So, ang lagi nating naririnig di ba parang, “Save for rainy days” pero ako, gusto ko siyang binabaliktad, “Saving for sunny days” para something to look forward to hindi yung negative yung parati nating iniisip. So, it could be both. You could be saving for the future pero you could also be saving for your wants and for your happiness.

Sir Vince: Hindi masama ang gumastos kung nasa lugar ito. 

Atom: Kung baga, wala namang masama sa paggastos. 

Sir Vince: Totoo.

Atom: Wala rin namang masama sa pagbili ng mga bagay na gusto mo. 

Sir Vince: Right. At ang paggastos, for example ay lalabas kayo with your parents, treat them to dinner, gagastos yan. Masaya yon. May anak ka, paaaralin mo sa pribadong school, di ba masaya yun? Bibilhan mo ng bagong damit yung mahal mo sa buhay, masaya yun. So, yun yung gusto kong feelings na ma-associate ng mga tao sa pagse-save. 

Atom: Okay. Dapat ba pati ang pagse-save meron tayong plan of action?

Sir Vince: Of course! So, yung mindset na una mong kukunin kapag nagse-save tayo, dapat yung pakiramdam mo, hindi ka pinaparusahan.

Sir Vince: Make savings a pleasurable experience. Your needs, wants and dreams should be your motivation and inspiration to save. 

Sir Vince: Kasi, di ba yun yung ano ng mga tao.

Atom: Oo eh. 

Sir Vince: Na parang kapag magse-save ay parusa, ang hirap magsave, ganyan. So, very important na alam mo kung ano yung gusto mo at kung ano yun, nanggigigil ka na magtrabaho para kumita at meron kang ma-isesave o kaya naman ay bawasan ang paggastos dahil sa layunin mo na yon. 

Atom: Kung baga, meron kang goal.

Sir Vince: Yes. 

Atom: From the outset. 

Sir Vince: Right. Oo.

Sir Vince: Marami sa atin ang gustong yumaman agad dahil sa hirap ng buhay pero para sa akin ang pinakamabilis pa rin na paraan sa pagyaman ay kung magdadahan-dahan.

Atom: Kaya maiging paghandaan ang ating hinaharap sa pamamagitan ng dagdag kaalaman sa pag-iipon, tamang pangungutang at pag-iinvest. Ako si Atom Araullo.

Sir Vince: Ako naman si Sir Vince, nagsasabing

Sir Vince and Atom: Ang pagyaman, napag-aaralan.

                                                                                                                                                                                                                          

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: