was successfully added to your cart.

Cart

Responsibilidad ng anak sa magulang pagka-graduate sa college

Maraming nagtatanong sa akin, kapwa magulang at anak kung ano daw ang responsibilidad ng anak pag nagtapos na sa pag-aaral. Kaya minabuti kong gumawa na lang ng isang blog entry para dito. 

Unang responsibilidad mo ang sarili mo

Kadalasan ang tension ay nanggagaling sa kung ano ba ang responsibilidad ng bawat isa sa isa’t isa. 

In my financial guidebook, self preservation ang nangunguna. Kaya kahit gaano kahirap ang buhay, unahing proteksyunan ang sarili. 

 Piliting huwag magbigay nang labis sa kakayanan. Alalahaning ang pagsalba sa sariling kapakanan ay siyang magpapatatag sa iyo upang makatulong pa nang higit. 

Ang minimum: Dapat hindi maging pabigat sa mga magulang

Tapos na ang repsonsibilidad ng mga magulang mo sa iyo pag nagtapos ka ng college o tumuntong ka sa edad na 21, alin man ang mauna. Sana by this time ay kaya mo nang buhayin ang sarili mo at hindi na umasa pa sa ibibigay nila. 

Ang pangarap ng bawat magulang ay makitang successful ang kanilang mga anak. Nagsisimula ito sa pagiging financially independent at hindi na maging pabigat pa sa kanila. 

Alalahanin na ang mga magulang mo ay concerned din sa kanilang matiwasay na retirement. Sana ay di mo na sila gambalain financially.

How do you attain this?

First, get health and medical insurance. In times of emergencies, sana ay may insurance coverage ka para di ka na humingi ng tulong pinansiyal sa magulang. Aruga na lang. 

Kaya bago ka bumili ng mga gadgets o mag-book ng getaway pagkatanggap mo ng suweldo mo, insurance ang unahin. 

Magsubi ka din ng 15% para sa emergency savings mo. Ang goal ay magkaroon ng 6 months worth of income para sa emergency savings. 

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: