Pangungutang sa bangko ang isa sa pinakasikat na sources of funding para sa negosyo. Bukod sa bangko, maaari ding makakuha ng loan mula sa kooperatiba, microfinance NGOs, financing at lending companies.
Sa pagsisimula ng isang negosyo, iwas ako na utang ang panggagalingan ng lahat ng puhunan. Para kasing ang simula sa financial standing ay nasa negative agad.
Maraming bangko ang nagbibigay ng business loans
Lahat ng bangko ay nagbibigay ng business loans, pati na rin ang mga kooperatiba, microfinance NGOs, financing at lending companies. Madali ang application process kung may mga maipapakitang dokumento na magpapatunay sa kagandahan ng negosyo at collateral.
Hindi makikialam sa pagpapatakbo ng business
Walang interes ang bangko sa pagpapatakbo ng iyong negosyo. Tanging gusto lang nito na lumago ang negosyo mo para makabayad ka ng interest at kailanganin mo pa ng mas malaking loan sa kanila.
Gusto nilang sabayan ang paglaki mo dahil habang lumalaki ka, lumalaki din ang business nila sa iyo.
Maraming document requirements
Kapag start up, wala pang business records na maipapakita sa loan application. Dito nahihirapan ang marami. Kadalasang ginagamit ang personal credit history para ma-approve ang loan.
Hindi rin madali ang pag-aayos ng mga dokumento para sa application dahil ang mga dokumentong hinahanap ay nangangahulugan na maayos na ang sistema mo sa pamamalakad ng negosyo. Halimbawa ang BIR-stamped audited financial statements na requirement nila ay nangangailangan ng maraming preparasyon para magkaroon ka nito.
Kailangang bayaran ang utang
Responsibilidad mo pa ring bayaran ang utang sa bangko kahit na malugi ka. Kasama sa babayaran mo ang interest. Kapag nangyari ito, maaaring mawala ang personal assets mo na nagamit na collateral at magkakaroon ka rin ng bad credit score.
Pros:
- Maraming organisasyon ang nagbibigay ng business loans
- Hindi makikialam sa pagpapatakbo ng negosyo
Cons:
- Maraming document requirements
- Kailangang bayaran ang utang