was successfully added to your cart.

Cart

Property insurance

Ang property insurance ay isang uri ng non-life insurance product kung saan binibigyan ng proteksyon ang mga ari-arian. Mahalaga ito kung ikaw ay may ari-ariang mataas ang value at kapag nawala ay malaki ang magiging financial loss sa iyo.

Home insurance

Ang pinakasikat na uri ng property insurance ay ang home insurance. Binibigyang proteksyon ang iyong bahay sakaling ikaw ay masunugan, manakawan, masalanta ng kalamidad at iba pang acts of God.

Hindi covered ang regular wear and tear ng bahay sa insurance. Kaya dapat maglaan ng separate budget para dito. Last time na nagbayad kami ng home insurance, ito ay nasa 1,000 kada million na value ng bahay. Kung 5M ang bahay mo, nasa 5,000 ang home insurance nito.

Car insurance

Ang car insurance naman ay isang uri din ng property insurance na nagbibigay proteksyon sakaling magka-aksidenta, malublob sa baha, vandalism, pagnanakaw at iba. May kasama sin itong personal injury proteksyon.

Nagiiba-iba ang coverage sa car insurancr kaya siguraduhing comprehensive ang kukunin.

Inventory and equipment insurance

 Mga business owners ang kadalasang kumukuha ng inventory and equipment insurance. Sakaling ma-damage ang mga goods o equipmeny dahil sa aksidente o kaya ay kalamidad, may makukuhang claim ang may-ari ng negosyo.

Property insurance reduces risk

Parating may participation ang  property insurance. Ibig sabihin hindi lahat ay kinakarga ng insurance company.

Usually nasa 80%-95% of the cost ang shoulder nila. Sa ganitong level, maganda pa ring kumuha nito because it greatly reduces your headache kapag may nangyaring masama.

Makakatulog ka din nang mahimbing dahil may peace of mind.

 

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: