Usapang Pera Season 2 Episode 6
“Nicole, may nagkasakit na ba sa pamilya mo? Kaibigan?”
“Uhm uhm! Lagi! Actually, yun nga yung lagi kong ikinakatakot eh kasi di ba kakabahan ka parati na once may nagkasakit, dun yung maraming gastos talaga eh.”
“Totoo yan ‘no. In fact, ang isa sa mga dahilan kung bakit mahirap ang mga Pilipino ay dahil sa gastos sa pagkakasakit ‘no at ang sagot dyan ng ating gobyerno para at least maibsan ‘no yung ating kahirapan sa medical expenses, yan yung tinatawag nating Philhealth.”
“Ang Philhealth ang universal healthcare program ng gobyerno.”
“Marami ring nagtatanong sa akin Nicole ‘no kung bakit napakaliit naman ng nakukuhang benepisyo sa Philhealth.”
“Mmmm…”
“Well, eto ang dahilan dito rin ay syempre, maliit din kasi yung ating ibinibigay na premium.”
“Mm hhmm…”
“Okay. Sa dinami-dami ng mga Pilipino na kailangang i-cover tapos two hundred pesos (PHP200.00) per month lang yung binibigay na premium, talagang kukulangin ang pondo ‘no. Kaya nga meron din tayong… meron ding karagdagang pinagkukunan ng budget ang Philhealth at yan ay ang sin taxes.”
“Yes! Bago-bago lang yan di ba?”
“Oo nga ‘no? So, alam mo ba kung ano yung sin tax?”
“Yes! Yun po yung mga tinatax from the alcohol and cigarettes di ba? Yung mga masasamang bisyo.”
“Oo! “
“If too much.”
“Tama! So, yung mga bisyo nilalagyan nila ng tax… yan sigarilyo at alcohol at yung nakokolektang tax dun ay ibinibigay sa Philhealth.”
“Uhm hhmm…”
“Okay. Tapos, ang Philhealth din ay nakakakuha ng iba pang pondo galing sa kanyang investment earnings at galing din sa grants and donations ng ibang… ng mga mayayamang gobyerno or multilateral agencies. Normally, kapag tayo ay na-ospital sa pribadong ospital…”
“Uhm hhmm…”
“Yung bill natin… ang natatangggal sa bill natin, dahil sa Philhealth, ay umaabot ng twenty (20) to fifty (50) percent ng bill natin.”
“Mmmm…”
“Okay. So, kung gusto mo talaga na medyo mababa yung babayaran mo, pumunta ka sa government hospitals…”
“Uhm uhm…”
“At mas mataas yung… mas mababa kasi yung presyo doon so mas mababa yuung babayaran mo sa iyong hospital bill. Kahit na sabihin pa na medyo maliit yung nakukuha natin sa Philhealth, para sa akin, kailangan pa rin maipagpatuloy natin yung pagbabayad sa Philhealth kasi nakakatulong tayo sa iba nating mga kababayan na makakuha ng benepisyo dahil tayo ay nagbabayad, okay?”
“So, we are all in this together Sir Vince?”
“Yes! Isa itong actuallyng pagkamakabayan kapag tayo ay nagbabayad nito.”
“Tayong mga Filipino ay naghahangad ng masaya, masagana at mapayapang pamumuhay.”
“Kaya naman kailangan nating palawakin ang ating kaalaman sa pag-iipon, pag-iinvest at pangungutang. Ako si Nicole.”
“Ako naman si Sir Vince nagsasabing…”
“Ang pagyaman, napag-aaralan.”