was successfully added to your cart.

Cart

Personal savings: Pinakamabisang source of capital sa negosyo

By August 14, 2018 Business, Savings

Isa sa mga paraan para magkaroon ng additional source of income ay ang pagtatayo ng negosyo. Mas maganda kasi kung hindi iisa ang pinanggagalingan ng ating kita, may diversification of income source kumbaga.

Granted na maayos na ang business plan mo at nakagawa ka na ng market research, ang susunod na tututukan ay ang pagkakaroon ng kapital para sa negsoyo. Tingnan natin ang personal savings bilang kapital sa pagtatayo ng negosyo.

Mas mura pag gamit ay sariling pera

Ito ang pinakamagandang pagmumulan ng kapital sa negosyo dahil sarili mo itong pera. Walang interest na babayaran kaya mas mura kaya may peace of mind. In fact, ito ang recommended ko na dapat gamitin kapag may business start up.

Mabisang gawin na habang gumagawa pa lamang ng business plan o kaya ay market research, simulan nang mag-ipon. Ito ay para kapag dumating na ang panahon na itatayo na ang negosyo, ready na ang savings para dito.

Complete control of business

Kapag savings mo ang ginamit sa negosyo, you have total control sa business, walang mangingialam sa iyo. Ang kita din ng negoyso ay iyo nang buong-buo kaya magagamit mo ito sa kung anumang naisin.

Masakit ang tama kapag nalugi

Sa kabilang banda naman, kapag nalugi ang negosyo, sa iyo din lahat ng pagkaluging ito. Maiisip mong sayang ang pinaghirapang ipon dahil sa pagkalugi ng negosyo.

But you can think of this as a valuable lesson. Marami naman talagang negosyo ang hindi pumapatok agad. Next time na magtatayo ka ulit, may karanasan ka na at mas alam mo na ang gagawin mo.

Miss out on input of others

Although meron kang total control sa business, hindi mo makukuha ang opinion ng iba pang tao tulad ng angel investors o venture capitalists. Pero, wala namang pumipigil sa iyong huming ng gabay sa mga tinatawag na business mentors para mapunan ito.

Summary:

Pros:

  • Mas mura at may peace of mind
  • Total control of business

Cons:

  • Sa iyo ang tama ng pagkalugi
  • Walang mapagkukunan ng business advice

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: