was successfully added to your cart.

Cart

Paano siguradong manalo sa lotto, 100%!

Photo credit: Chris Fernandez of Panay News

Nasa Php1 billion na ang 6/58 lotto grand prize ngayon. Usap-usapan sa trabaho, sa lansangan at lalo na sa social media kung sino ang mananalo nito.

Ito ang pinakamalaking premyo sa lotto sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang huling nanalo ng pinakamalaki ay noong 2010 na taga-Olongapo na nag-uwi ng PHP741 million sa Grand Lotto 6/55.

Tunay na nakakaenganyang tumaya dahil sa laki ng premyong maaaring mapanalunan.

Ang tanong ng lahat, paano siguradong mananalo sa lotto?

Buy all possible ticket combinations

Ang kaisa-isang paraan na 100% sure na mananalo ka sa lotto ay kung tatayaan mo ang lahat ng posibleng numerong kombinasyon nito.

Sa 6/58 Ultra lotto ang chances of winning mo ay 1 in 40.4 million!

Let me put that into perspective.

Apat na beses ka pang mas may tsansang tamaan ng kidlat kaysa manalo sa Ultra lotto.

Gets?

Mahigit isang bilyon ang kailangang taya

Kung gagawin ang pagbili ng lahat ng 40.4 million number combinations, kailangang maghanda ng PhP969.6 millon pesos. Halos kapantay din ng mapapanalunan ngayon sa jackpot prize KUNG mag-isa kang mananalo.

Pero iyan lang ang gagawin mo, lugi ka pa.

May 20% tax  

Dahil sa TRAIN law, lahat ng premyong mapapanalunan sa lotto na lalagpas sa PhP10,000 ay papatawan ng 20% tax simula January 2018. Ibig sabihin nito, kailangang paabutin mo muna ang jackpot prize sa PhP1.2 billion pesos para mag-breakeven.

But wait, there’s more…

Hindi nakukuha ang ang premyo nang biglaan

Ibinibigay ang jackpot prize sa pamamagitan ng annuity o hulugan. Ipagalagay natin na ibibigay ang napanalunan mo in 10 equal annual payments. Sa PhP1.2 billion, makakatanggap ka ng PhP120 million kada taon.

Bababa ang halaga ng premyong napanalunan dahil sa inflation

Gamitin natin ang 5% bilang inflation rate dahil ito ang average inflation rate in the past 10 years. Kung ia-apply natin ang time value of money at kukunin natin ang future value ng PhP120 million annual future payments, ito ay PhP1.5 billion pesos.

The odds are not in your favor

Ang ibig sabihin ulit nito ay kailangan mong antayin na umakyat sa PhP1.5 billion pesos ang jackpot prize para maka-breakeven. Take note, breakeven pa lang yan.

Dahil sa baba ng tsansang manalo at laki ng halagang kailangang ilabas para 100% guaranteed ang pagkapanalo sa lotto, is it still worth to do this?

Ginawa na ni Stefan Mandel

Ang formula na dinescribe ko ay hindi bago at nagawa na ni Stefan Mandel. Basahin ang kaniyang nakakakaliw na kuwento dito.

Isang problemang hinarap niya ang pag-generate ng perang pang-taya sa lotto. Nagtatag siya ng kumpaniya para dito at nang-enganyo ng mga investors.

Pangalawang malaking problema, at ayon sa kaniya ito ang mas mahirap gawin, ang pagtataya mismo sa lotto. Dahil sa dami ng ticket na bibilhin, nao-overwhelm ang mga retail outlets nito.

Nanalo nga sila sa gawaing ito pero hindi rin naging sustainable. May reports na hindi nabayaran nang tama ang mga investors at si Mandel ay nasangkot sa mga iba’t ibang investment scams.

Katuwaan lang dapat ang lotto

Marahil ay na-disappoint ka sa sinabi kong paraan na 100% sure na tatama sa lotto. Well, I just laid down the truth kaya dapat itong tanggapin at huwag dibdibin.

Para sa akin, mali na iaasa sa lotto ang kabuhayan at kapalaran sa buhay. May mas marami ka pang puwedeng gawin na sigurado ang panalo kaysa sa pagtataya sa lotto tulad ng pag-iipon, pagnenegosyo at pagi-invest.

Lotto should just be played for fun.

Iwas tayo sa biglang-yaman strategy. Tandaan ang lagi kong sinasabi, ang pinakamabilis na paraan sa pagyaman ay kung magdadahan-dahan.

 

If you want to join me in my self-help paluwagan, register here.
Join my Usapang Pera Facebook group for more inside stuff.
Subscribe to Usapang Pera youtube channel and watch money management tips.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: