was successfully added to your cart.

Cart

Paano pumili ng kasosyo sa negosyo o business partner?

By July 1, 2018 Business

Marami sa mga OFWs ang naghahanap ng paglalagyan ng kanilang pinaghirapang pera abroad. Gusto kasi nilang mapalago ito agad para hindi naiiwang natutulog lang sa bangko.

Bukod sa pag-iinvest, marami ang nakikisosyo sa negosyo sa pagnanais na mapalago ang pera. Narito ang listahan ng mga dapat hanapin sa magiging kasosyo sa negosyo.

Respeto at tiwala

Ito ang unang-una mong kailangang tingnan kung makikisosyo sa negosyo. Ipagkakatiwala mo ba ang pera mo sa taong ito?

Kung may pagdadalawang-isip, mas magandang huwag na lang tumuloy.

Hanapin ang mga kasosyo o business partner match sa values mo at may pagkakatulad ang vision ninyo sa negosyo. Parating panatilihin ang respeto sa relasyon.

Kaibigan o pamilya

Dahil sa unang criteria na respeto at tiwala, ang karaniwang takbuhan para maging kasosyo sa negosyo ay mga kaibigan o kaya naman ay ka-pamilya. Alalahanin na maaaring maging sanhi ng pag-aaway ang pagiging magka-sosyo.

(Read: Guide in running a family business)

Tingnan kung may personal na problema ang mga magiging kasosyo, lalung-lalo na kung ito ay may kinalaman sa pera. Ang mga personal na problema ay mabilis na nakakaapekto sa trabaho at baka maging sanhi pa ito ng hindi maayos na pagpapatakbo ng negosyo.

Kapag may agam-agam, huwag itong ituloy. Dapay ang papasukin niyo ay makakapagpayabong sa inyong pagkakaibigan hindi ang salungat nito.

Trial run

Pumili ng mga taong may karanasan ka nang katrabaho. Naalala ko nang ako ay unang magtayo ng aking korporasyon, ang mga isinama ko ay mga dati kong ka-trabaho, ang aking life partner at isa sa aking mga kapatid.

Alam mo na kasi kung paano sila mag-trabaho at kung paano sila makakatulong sa negosyo sakaling may problemang dumating. Kaya kapag hindi kakilala ang mga magiging kasosyo, ina-advice ko na mag-trial run muna.

Magtalaga ng panahon para sa trial run para masubukan ang pagpapaandar nito. Matapos ang takdang panahon, saka magdesisyon kung itutuloy o hindi ang business partnership.

Partner, employee o consultant

Pag-aralang mabuti kung ano ang gagampanan mo o role mo sa negosyo. Ikaw ba ay business partner na kasamang magpapatakbo sa negosyo? O baka naman ikaw ay empleyado na dapat bigyan ng suweldo.

Maaari ding tingnan kung consultant ka lang, o yung hindi full time sa trabaho pero tumutulong sa mga specific areas sa pagpapatakbo ng negosyo. Linawin kung sino ang gagawa ng final decisions sa negosyo. Sa opinion ko, ang business partner ang may say sa final decision.

Complementary traits

Maganda kung ang mga pipiliing business partner ay may iba’t-ibang kakayahan o background upang may kanya-kanyang expertise na dinadala sa negosyo. Kailangan ding alamin kung anu-ano ang kahinaan ng bawat isa at unawain ito.

Alalahaning hindi tayo perpekto kaya dapat isaayos ang pakikipag-usap sakaling darating ang panahon na nakakasagabal ang kahinaan ng isa sa pagpapatakbo ng negosyo.

Balance responsibilities

Sa umpisa pa lang, kailangang linawin ang responsibilidad ng bawat isa para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Kaya magandang pumili ng kasosyo who would complement traits of the team.

Kapag hindi balanse ang pagbibigay at pagtupad ng responsibilidad, dito nagsisimula ang alitan. Sa karanasan ko, mas magandang mag-focus sa solusyon sa problema kaysa gamitin ang time and energy para malaman kung sino ang may sala.

(Read: Finding solutions versus blaming and finger-pointing)

Pera

Pera ang madalas na dahilan ng hindi pagkakaintindihan. Kaya sa umpisa pa lang, ayusin na kung paano pupunan ang kakailanganing kapital sa negosyo.

Mahalaga ring linawin na kung paano hahatiin ang kita o kaya naman ay pagkalugi sakaling mangyari ito.

Kontrata

Pag-usapan na rin sa umpisa pa lang kung magkano ang halaga ng negosyo sakaling mag-desisyon ang isang kasosyo o business partner na humiwalay sa negosyo. Magandang may nakahanda nang kontrata sa pagbili o pagbenta ng bahagi ng kasosyo sa negosyo.

Ang susi dito ay paghandaan ang mga posibleng mangyari, bago pa ito tuluyang mangyari. Mapapabilis din nito ang pagbibigay solusyon sa mga disagreements.

(Read: Kahalagahan ng kontrata)

Choose wisely

Mahalaga ang mga nabanggit ko sa itaas sa pagpili ng negosyo dahil isa ito sa mga nakasalalay para maging matagumpay at profitable ang negosyo. Kaya magandang gawin ang due diligence sa pagpili ng mapagpayamang kasosyo o business partner.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: