was successfully added to your cart.

Cart

Paano paghandaan ang pagpanaw ng magulang, financially

Ilang lingo bago sumapit ang pasko, nagkaroon ng mild stroke si papa. Mabuti at naagapan namin ito, Salamat na rin sa training ng nanay ko bilang caregiver sa America ng ilang taon.

Tuwing nagkakaroon ng ganitong pangyayari, natatakot akong isang araw ay papanaw na ang aking mga magulang. Alam kong tiyak itong mangyayari pero mahirap pa din isipin at paghandaan.

Isa sa mga matatalik kong kaibigan ay nawalan na ng magulang. Tinanong ko siya kung ano ang pakiramdam nito at ang sabi niya’y kahit 25 taon nang namayapa ang tatay niya, nadadama pa rin niya ang lungkot at kaibahan noong kumpleto pa sila.

Alam kong napaka-morbid ng feeling na paghandaan ang pagpanaw ng ating mga magulang, pero ito ay kinakailangan nating gawin para sa kapayapaan ng ating kaisipan. Ang huli nating gusting mangyari ay magkaroon ng away o kaya ay magkaron ng mga unresolved sa pamilya dahil hindi natin napaghandaan.

Empower your parents

Kapag napag-usapan ang pagpanaw ng magulang, masisiguro nating matututpad ang kagustuhan nila. Magkakaroon sila ng pagkakataong sabihin ang mga nais nilang mangyari sa nalalabi nilang oras sa mundo at maging sa kanilang pagpanaw.

Kasali dapat sila sa mga desisyon sa mga bagay na involved sila. Empowerment ang tawag dito.

Mababawasan ang stress na dulot nito kapag maayos ang usapan bago pa sila mamatay. When they die, it will surely be a difficult time for every member of the family. At sa mga mahihirap na sitwasyong ito, mahirap ding gumawa ng malinaw na desisyon.

Buy a memorial plan

Sa totoo lang, pinaghahandaan din ng mga magulang natin ang kanilang pagpanaw. Si mama at papa, for example, ay bumili na ng magkakatabing puntod sa sementeryo na siya daw paglilibangan sa kanila at iba pang miyembro ng pamilya.

Maganda na may nakahanda na at mababawasan na ang logistical arrangements kapag may memorial plan. Giginhawa ang pag-asikaso sa burol at libing.

Secure legal documents

Maganda ring magkaroon ng listahan ng mga mahahalagang dokumento ng ating mga magulang at alam natin kung saan nila ito itinatago. I-assure sila na hindi mo ito kukunin at aagawin sa kanila.

Ang mga dokumentong mahalagang alam mo kung nasaan ay ang mga sumusunod: birth certificate, marriage certificate, land titles, deed of sale, will, bank accounts, bank statements, investment account/product documents, insurance policies, retirement fund accounts at mga loan agreements kung meron sila pagkakautang.

Kung hindi nila ipagkakatiwala sa iyo ang mga original copies, ang isang option ay makaroon ng photocopy ng mga ito.

Magkasundo bilang pamilya

Ang susi para maiwasan ang di pagkakaunawaan at sigalot sa pamilya ay pag-usapan kung ano ang mangyayari sa mga ari-arian ng magulang kapag sila ay pumanaw na. Sana ay hindi na umabot sa paghahabla ng bawat isa sa pamilya dahil dito.

Maraming malulutas at mababawasan ang stress at pighati kapag napaghandaan natin ang pagpanaw ng ating mga magulang.

Kung ako sa iyo, gawin mo na ito sa lalong madaling panahon bago mahuli ang lahat.

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: