was successfully added to your cart.

Cart

Paano paghandaan ang pagpanaw ng magulang, emotionally

Bukod sa paghahanda sa pagpanaw ng ating mga magulang financially, ay ang masa mahalaga nating gagawing paghahanda emotionally. Sa totoo lang, hindi ko pa ma-imagine ang pagpanaw ng aking mga magulang kahit na napaka-indpendent ko na sa kanila.

Wala pa ring tatalo sa pagmamahal nila. Iba ang pakiramdam at may sense of security tuwing ako ay hahalik at yayakap sa kanila.

Mapalad ako dahil buo pa ang aking mga magulang. Kaka-stoke lang ni papa ilang lingo bago magpasko at inasikaso ko siyang mabuti sabay ng dagsang trabaho, ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako napagsulat ng articles sa blog ko buong Disyembre.

Sabihin ang kailangang sabihin

 Habang tumatanda ang ating mga magulang at nagkakaroon sila ng kabi-kabilang sakit, natural na iniiwasan nating isipin ang kanilang pagpanaw. We do not want to entertain the thought. Pero kapag tayo at sila ay emotionally prepared para dito, mas magaan sa pakiramdam at mababawasan ang stress.

Kaya habang buhay pa sila, take the opportunity to say “I love you” to them. Sa pamilya namin, bukod sa panganay, ay natural na mahilig magsabi ng “I love you” sa isa’t-isa. Nakakawala ito ng stress at nakakagaan sa loob.

Huwag nang hintaying hindi na nila maririnig na humingi ka ng patawad. Say you’re sorry while you still can.

Honor your parent

Isa sa mga gusting-gustong naririnig ng mga magulang natin ay kapag sinasabihan natin sila kung gaano sila kahalaga sa buhay natin at kung gaano natin sila kamahal. Subukan mong mag-post sa Facebook kung gaano mo sila kamahal at siguradong matutuwa ang mga iyon sa iyo.

Kapag nakabukod ka na sa kanila, ugaliing bumisita sa kanila. Noong nasa America pa sina mama, kahit kulang sa oras sinisiuro kong bumisita sa kanila. At kapag ako ay nandoon, sinisiguro kong maglambing sa kanila at hinahayaan ko rin silang maglambing sa akin.

Walang tatalo sa kuwentuhan sa mga past memories at pag-alala sa mga magagandang experiences noong bata pa. Masarap sa pakiramdam ang magbalik-tanaw kasama sila.

Sa kaso ko, kadalasan ay tinatawanan naming kung gaano kahirap ang buhay noon at ang laki ng ginhawa ngayon.

Build (more) memories together

Sabi nga sa kasabihan, we cannot save time, we can only spend it. That’s why we have to make every second count.

Kapag may pagkakataon, sinasaluhan ko sa pagkain ang aking mga magulang. Kapag kaya ng oras at katawan, I do them small favors.

Katulad kagabi, nagpaturo si mama sa akin kung paano gamitin ang aking espresso coffee maker, that was a good bonding moment. Si papa naman ay minsang nabanggit kong gusto kong magtanim ng malunggay sa bakuran naming, at kaninang umaga ay may daladala na siyang tangkay ng malunggay na itatanim.

Bilang pamilya, hilig naming ang mag-travel, kaya talagang pinagiipunan ko ito. Magiging magandang alala ang mga ito at magandang balikan pagdating ng panahon dahil maraming pictures.

Prepare financially

 Aminin natin na mas mahirap ang emotional stress kung may kasama pa itong financial stress. Kaya dapat, paghandaan ang mga ito habang maaga. (Read: Paano paghandaan ang pagpanaw ng magulang, emotionally)

Make every moment count

At the end of the day, magiging masakit pa rin ang kanilang pagpanaw. Ang pighati at pangungulila sa kanila ay mangingibabaw lalung-lalo na sa panahon ng Pasko.

Pero nasa sa iyo kung papagaanin mo ang buhay o hindi. So do yourself and your parents a favor and prepare yourselves emotionally and financially.

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: