May mga nagsasabing mas mura pa daw ang mamatay kaysa magkasakit. Hindi naman ito malayo sa katotohanan dahil talagang napakamahal magkasakit ngayon.
Kaya dapat nating pangalagaan ang ating kalusugan dahil health is wealth. Mas ma-eenjoy natin ang kayamanan kung malakas ang atinng katawan dahil maayos ang ating kalusugan.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, noong 2016, ang mga sumusunod ang sampung leading causes of death sa Pilipinas:
- Ischaemic heart diseases
- Neoplasms (abnormal growth of tissue, cancer)
- Pneumonia
- Cerebrovascular diseases
- Hypertensive diseases
- Diabetes miletus
- Other heart diseases
- Respiratory tuberculosis
- Chronic lower respiratory infections
- Genitourinary system diseases.
Isa sa paraan na labanan ang mga ito ay sa pamamagitan ng tamang timbang. Tingnan ang table sa ibaba para malaman kung ano dapat ang ideal bodyweight mo base sa kung gaano ka katangkad.
Bukod sa feeling good ka na, may mga health and financial benefits ang pagpapaganda ng katawan. Kapag tayo ay nag-eehersisyo; kumakain ng masustansiyang pagkain; natutulog nang tama; umiiwas sa bisyo at stress, lumalakas tayo at makakaiwas sa gastusing kaakibat ng pagkakasakit.