Ang interest ang ibinabayad bilang kapalit sa paghiram sa pera. Ang interest rate naman ay ang halaga na itina-charge ng lender sa borrower na naka-base sa porsiyento ng kabuuang halaga ng pinautang (principal).
Nominal interest rate
Ang nominal interest rate ay ang nakasaad na interest rate sa isang kasunduan. Ginagamit nito ang simple interest rate at hindi isinasaalang-alang ang compounding period.
Simple interest rate
Ito ang formula ng simple interest rate:
Simple Interest – Principal x Interest Rate x Time
Halimbawa, nag-deposito ka sa isang time deposit sa rurual bank sa halaganang PhP100,000 at ang interest ay 5% kada taon. Makukuha natin ang:
Simple Interest = PhP100,000 x 5% x 1 year
Simple interest = PhP5,000 per year
Babayaran ka ng bangko ng interest na PhP5,000 kada taon.
Compound interest
Ang compounding interest naman ay ang interest na kinalkula base sa unang principal kasama ng mga naipong interest sa mga nakaraang takdang panahon (compounding period). Maaring gamitin ang compound interest sa deposito sa bangko o sa mga utang.
Ito ang formula ng compound interest rate:
Compound Interest = Principal x [(1 + i) n – 1]
kung saan ang “n” ay ang bilang ng compounding periods
Sa ginamit nating halimbawang PhP100,000 na time deposit, ipagpalagay natin na iiwan natin ng apat na taon ang ating deposito at kikita ito ng 5% kada taon.
Compound Interest = PhP100,000 x [(1 + 5%)4 – 1]
Compound Interest = PhP100,000 x [(1.05)4 – 1]
Compound interest = PhP100,000 x [1.2155 – 1]
Compound interest = PhP100,000 x [0.2155]
Compound interest = 21,550
Suriin natin ito nang masinsinan para maintindihan natin. Ang formula sa itaas ay maipapaliwanag sa table sa ibaba.
Makikita sa table na sa unang taon, kumita ang time deposit ng PhP5,000 at ito ay idinagdag sa naunang principal na PhP100,000. Kaya ang bagong balance ng time deposit sa ending ng Year 1 ay PhP105,000.
Ang PhP105,000 na ngayon ang magiging basehan ng bangko sa pagkalkula ng interest sa Year 2. Kaya sa Year 2 ang interest na kinita ay mas malaki na nanng bahagya kumpara sa Year 1 – PhP5,250. Uulitin ang proseso hanggang maabot ang nakatakdang compounding period.
Kung titingnan, maliit ang diperensiya sa mga unang taon. Pero habang tumatagal, dahil kumikita na ang interest na naunang kinita, bumibilis ang paglago ng pera.
Dahil dito, tinawag ng Albert Einstein ang compounding interest bilang pinakamahalagang imbensiyon sa kasaysayan ng mga tao.
Exercise
Subukan natin kung gets mo na ang compounding interest. Gamitin pa rin natin ang halimbawa sa itaas pero dadagdagan ko ng impormasyon.
Sa katunayan, nagko-compound ang mga bangko ng interest sa deposits quarterly. Ibig sabihin, apat na beses nilang ibibigay hati-hati ang 5% interest na kikitain sa isang taon.
Ang aking tanong, magkano ang interest na kikitain natin sa loob ng apat na taon?
Subukan niyo munang i-solve at ikumpara ang iyong nakuhang sagot.
Kapag kinukuha natin ang compound interest, nagbibigay ng malaking kaibahan ang bilang ng compounding periods. Habang dumadami ang bilang ng compounding periods, tumataas ang halaga ng compound interest.
Katulad ng pinagawa ko sa inyo, ang resulta ay:
Compound Interest = PhP100,000 x [(1 + 1.25%)16 – 1]
Compound Interest = PhP100,000 x [(1.0125)16 – 1]
Compound interest = PhP100,000 x [1.2198 – 1]
Compound interest = PhP100,000 x [0.2198]
Compound interest = 21,980
Mas malaki ng PhP430 ang kinalabasan.
Marahil nagtatanong kayo kung bakit ang napalitan ng 1.25% ang 5% interest rate na ginamit at naging 16 naman ang dating 4 na compounding periods.
Kailangan natin kunin ang quarterly interest rate ng 5% annual rate. Ito ay dahil quarterly nagko-compound ng interest ang bangko. Kaya 5% ÷ 4 = 1.25% quarterly interest rate.
Kung ang ginagamit na period sa interest ay quarterly, kailangang din nating i-convert ang compounding period to quarterly. Dahil may apat na compounding periods sa isang taon, at apat na taon ang kabuuang bilang ng compounding period, ito ang makukuha natin: 4 quarters x 4 years = 16 compounding periods.
Making money work for you
Dahil sa kakayahan ng compounding interest na kumita ng pera para sa iyo sa paglipas ng panahon kahit hindi ka nagta-trabaho, ito ay isang halimbawa ng passive income.
Gamitin natin ito para yumaman.