Minimize temptations

Dahil may mga taong lapitin ng tukso o madaling matukso, ang pinakamainam na gawin ay iwasang matukso ang mga taong nakapaligid sa atin.

Halimbawa, sa bahay, huwag maging burara sa mga barya o wallet. Itago at iligpit ito nang mabuti upang hindi matukso ang mga anak o mga kasambahay na mangupit.

Sa negosyo naman, maglagay ng reasonable internal control measures na kayang bantayan o i-monitor to give a strong message na seryoso ka sa pagpuksa ng mga mandaraya at magnanakaw.

Break routine

 Ang pandaraya at pagnanakaw ay karaiwang hindi naikukubli nang matagalan lalo na kung baguhan ang gumawa nito. Isang mabisang paraan para mahuli ang mga irregular activities ay ang pagiiba paminsan-minsan ng mga karaniwang gawain.

Dito lalabas ang mga anumalya dahil out of the ordinary ang process na ginagawa at mahirap itong pagtakpan. Kaya sa mga negosyo, may tinatawag na job rotation o ang pagiiba ng taong guagawa ng isang task at mandatory leaves o ang puwersahang bakasyon.

Ito ay para ibang tao naman ang hahawak sa trabahong iyon para makita kung may irregularity.

Sa bahay naman, subukan mong umuwi nang maaga nang hindi ipinagpapaalam. Baka dito mo malaman na may kababalaghan na palang ginagawa ang mga kasama mo sa bahay.

 

Iwasang maging kontrabida

Karaniwang hindi kayang gawin ng iisang tao lamang ang mandaya o magnakaw. Sila ay may kasabwat.

Sa aking practice, everyone gets a second chance dahil naniniwala ako na may kakayahang magbago ang mga tao kasabay sa pag-amin na may kakayahan din tayong magkamali. Kaya imbes na kastiguhin ko ang mga magkakasabwat at magmukhang kontrabida sa mata nila, I offer myself as a collaborator.

Ang ibig sabihin nito ay huhugot ka ng malalim na pasensiya at pangunawa. Sabay-sabay kayong hahanap at gagawa ng solusyon upang hindi na maulit ang pandaraya at pagnanakaw.

 

 

 

Appropriate punishment

Hindi rin maganda na ang mga may sala hindi pinarurusahan. Ang parusa para sa akin ay para hindi ipagdikdikan sa kanila ang kanilang pagkakamali pero para maramdaman nila na mali ang kanilang ginawa.