Ang DuPont analysis ay isang financial performance framework na pinasikat ng Du Pont corporation. Ito din ay tinatawag na Dupont identity o DuPont system.
Return on Equity (ROE) ang ratio na binibigyang focus ng Du-Pont dahil ayon dito, may tatlong mahahalagang ratios na bahagi ng Return on Equity equation. Magagamit ang tatlong ratios na ito upang makita kung anong bahagi ng negosyo magaling, kailangang ng atensyon o may problema.
Profit margin o “patong”
Ang unang ratio ay ang profit margin. Ito ay isang profitability ratio na nakukuha sa pamamagitan ng pag-divide ng net income mula sa kabuuang sales o revenues. Formula: Profit margin = Net profit ÷ Sales.
Asset turnover o “ikot”
Pangalawa naman ang asset turnover. Ang ibig sabihin ng asset turnover ratio ay ang halaga ng sales o revenues ng isang kumpaniya o negosyo kumpara sa halaga ng lahay ng ari-arian o assets nito.
Kadalasang ginagamit ito upang mlaman kung gaano ka-efficient gamitin ng isang kumpaniya ang kaniyang mga ari-arian sa pag-generate ng sales. Formula: Asset turnover = Sales ÷ Total Assets.
Leverage o “laway”
Panghuli ang leverage o equity multiplier. Leverage ang tawag kapag ang isang kumpaniya o negosyo ay humiram ng pera bilang source ng kapital sa kaniyang pagi-invest o kaya naman ay pagpapalago ng kaniyang operations.
Ito ay isang investment strategy kung saan ang paggamit ng inutang na pera ay ginagamit upang palakihin ang return on investment. Formula: Leverage = Assets ÷ Equity
Return on Equity
Kapag pinagsama-sama ang tatlong ratios at i-simplify ang mga ito, ito ang magiging effect:
Ang matitira sa equation ay Net income ÷ Equity which is the formula for Return on Equity. Ang ibig sabihin nito, ang return on equity formula ay may tatlong nakapaloob na formula na maaring i-analyze isa-isa.
Watch my video on “Paano ba kumikita ang negosyo” para mas lalo itong maintindihan.