Paano malalaman kung sulit ang insurance sa pamamagitan ng benefit to premium ratio
Na-realize ko dito, na nasa pinakamataas niyang halaga ang economic benefits ng insurance policy kung mangyayari ang insurable event sa kaagahang bahagi ng insurance policy. Ito ay matapos ang nakatalagang waiting period ng policy.
Sa puntong ito, makukuha mo o ng iyong beneficiary ang maximum benefit kung saan nakuha mo ang kabuuang benepisyo sa kabila ng pinakamaliit na premium na nabayaran mo. Makabuluhan lamang ito sa financial realm, pero sa totoo lang, ayaw nating mangyari ito dahil nangangahulugan lamang ito na kailangan munang may masamang mangyari sa atin.
Sa table sa taas, naipakikita sa iyo kung papaano ito tumutugma sa iyong financial plan o sitwasyon sa buhay. Karaniwa’y nanaisin mo ang mas malaking insurance coverage sa punto ng buhay mo kung saan higit na marami kang dependents, gaya ng kapag mayroon ka pang maliliit na anak.
Maaari mong piliin ang pagbili ng insurance policy na makapagbibigay sa iyo ng pinakamalaking benefits-to-premium ratio gayong ito ang makapagbibigay ng higit na halaga para sa iyong pera.
Mula sa table sa taas, kung magdedesisyong kang bumili ng insurance batay sa halaga, pipiliin mo ang Amboy Team Insurance dahil ito ang may pinakamataas na benefit-to-premium ration. Pero kailangan mong tingnan ang maraming bagay para matiyak ang tamang insurance product para sa iyo na ipaliliwanag ko mamaya.