Madalas akong tanungin kung ano daw ang magandang negosyo. Sa totoo lang mahirap itong sagutin dahil nakasalalay ito sa maraming bagay.
Narito ang apat na katanungan na makakatulong sa pagiisip ng isang magandang negosyo.
Ano ang problemang nais tugunan?
Magandang magsimula sa pagsubaybay at pagsusuri kung may mga problema ang mga tao sa iyong paligid na hindi natutugunan.
Ang problema ay karaniwang pinagmumulan ng business idea. Kung maigting ang pangangailangan sa problema ito ay masasabing needs o wants.
Ano ang solusyon sa problema?
Kung mayroon kang naisip na solusyon sa problema ito na marahil ang produkto o serbisyo ng negosyo mo. Ang produkto at serbisyo ang tutugon sa needs at wants ng mga mamimili.
Ilatag kung anu-ano ang mga benepisyo ng naisip mong produkto o serbisyo at siguraduhing kaya nitong solusyunan ang problemang nabanggit.
May market o mamimili bang maaring bumili ng solusyon?
May market o mamimili ba sa naisip mong solusyon? Nais ba nilang magbayad upang makuha ang produkto o serbisyo na meron ka upang masolusyunan ang kanilang problema?
Alamin ang iba’t ibang katangian (characteristics) at gawi (behavior) ng mga mamimili. Nagiiba-iba ito dpenede sa lugar kung saan planong itayo ang negosyo. Ang tawag dito ay “local knowledge.”
May kaalaman, kakayahan at kakilala ba ang negosyante?
Ang negosyante ang pangunahing puwersang bumubuhay sa isang negosyo. Kaya kinakailangang may kaalaman at kakayahan siya sa pagpapatakbo ng negosyo. Makatutulong din kung may mga kakilala siyang makakatulong sa pagpapaunlad ng kaniyang negosyo.
Sa totoo lang, ang lahat ng mga nabanggit ko ay kinakailangang alamin mismo ng negosyante sa pamamagitan ng isang market research. Ang market research naman ay siyang magiging input sa paggawa ng isang business plan. Wala itong shortcut.
Sana ay nakatulong ang apat na tanong na ito para mabigyan kayo ng gabay sa pagiisip kung paano magsimula ng isang negosyo.
Thank u for sharing. You make complicated things easy to understand at Tagalog pa! Well done…
Saan po magandang maginvest ng pera? Sa isang stick market po? Sa mga life insurance? Yung mas madadagan ang interes po ng iipunin kong pera. Magtatrabaho po ako sa ibang bansa habang andun po ako nagiinvest na po ako ng pera ko. Salamat po sa isasagot niyo. Godbless.
P.s. sir vince sabi nila regarding sa mga insurance na yan when you needed in case of emergency let say naospital and then gagamitin ang life insurance kukunin din daw ng company yung pera or may mapupunta din daw sa kanila kung sakalung magamit? Totoo po kaya yun? Salamat po again.