Isa sa mga katangian ng mga financially successful na tao ay ang kakayahan nilang tumanggi o magsabi ng hindi sa mga unreasonable financial favors. Nagagawa nila ito nang maluwag sa kanilang dibdib, walang pagiimbot at walang pagaatubili.
Kapag nasa tama ang desisyon ng pagtanggi sa mga financial requests, walang dahilan para makaramdam ng guilt ang isang tao.
Narito ang mga techniques kung papaano ka tatanggi o magsabi ng hindi.
Sabihin ito
Ang pinaka-basic na kailangang gawin ay matutong sabihin ito. Just simply say no. Huwag magpaligoy-ligoy at huwag kakalimutang sabihin ang desisyon mong tumatanggi ka.
Kadalasan kasi umaasa ang iba kasi hindi naging malinaw ang iyong sagot. So practice to say no.
Be assertive and courteous
Huwag papatinag. Stand your ground when saying no.
Kaya napakahalaga na paghandaan ang mga sagot bago sumabak sa balitaktakan. Laging maging handa. Alamin kung bakit mo kailangang tumanggi. Makakatulong ang aking naisulat ko kung bakit kailangan mong humindi sa mga hinihingi ng mga nakapaligid sa iyo.
Set limitations – understand your boundaries
Kailangang malinaw sa iyo kung bakit ka tumatanggi sa kanilang hiling. Isa sa mga mabisang paraan para mapaintindi ito ay kung alam mo ang iyong limitasyon o kung hanggang saan lang ang kaya mo.
Kapag nasasabi mo ang iyong limitations and boundaries, mahihirapan na silang pumalag dahil may pagamin ka na ng iyong kakayahan. Siguraduhin lang na ito ay makatotohanan.
Tandaan mong hindi mo kailangang lutasin ang lahat kahit pa kaya mo ito dahil nagtatalaga ka ng limitasyon. Alamin kung bakit nahihirapan kang tumanggi at bigyan ito ng solusyon.
Communicate your financial plan
Sa aking karanasan, nabibigyan ko ng magandang paliwanag ang aking pagtanggi kung naibabahagi ko ang aking financial plan at ang kalagayan ko ngayon. Sa ganitong paraan, maiintindihan ng humihingi ng pabor sa iyo ang iyong sitwasyon at hindi siya maghihinanakit sa iyong pagtanggi.