was successfully added to your cart.

Cart

Paano magpautang nang tama

By July 30, 2017 Business

Usapang Pera Season 2 Episode 1

“Sinon, ano yan?”

“Kakaloka kasi ‘tong mga listahan ng mga pautang!”

“Aburidong-aburido ka dyan ah! Madami ba sila?”

“Madami ba kamo?”

“Oo? Patingin!”

“Oh! Oh! Ayan! Oh! Oh! Oh! Di ba!?”

“Naku!”

“Sinon: Para na siyang sash di ba oh! Ang haba! Nakakainit ng ulo. Well, ang iba nito, eh kamag-anak ko naman na… Siyempre pinagkatiwalaan ko… Pinahiram ko ng pera… Kasi nga minsan eh, sabi nila nakaahon na daw ako sa buhay…”

“Right…”

“Eh, gusto ko namang makatulong… So, minsan may moment na kulit sila ng kulit… Eh, panggamot ng ganito eme eh wala na akong magawa as a part na kamag-anak ko sila, pinapahiram ko naman sila. Yun lang.”

“Saan ba nila daw ginamit yung mga hiniram nila sayo?”

“Well, minsan sa mga ano… sa… minsan sa sakit syempre common yun. Pangalawa, pagpapa-aral sa mga pamangkin mo… So, ganun… pang-start sa negosyo… pandagdag sa negosyo…”

“Nakakatuwa ‘no Sinon, yung sinasabi mo yung…”

“Minsan hindi ako natutuwa!”

“Hindi! Oo nga naman, hindi nakakatuwa yun ‘no pero yung sinasabi mo na pang medical emergencies, pangpa-aral ng mga anak at saka pang-negosyo, yan yung actually top three (3) reasons ng pangungutang ng mga tao ‘no lalung-lalo na ang mga mahihirap.”

“Pero alam mo Sir Vince may sasabihin ako… madali lang ha…”

“Sige…”

“Nang ako yung bagay na walang-wala noon…”

“Nangutang ka ba nun?”

“Never akong nangungutang. Alam mo kung bakit? Una, walang gustong magpautang sa akin. Ayaw nila akong pagkatiwalaan! Pangalawa, wala akong pambayad! So, paano ako uutang? So, whether I like it or not, kailangang itawid ko ang sarili ko.”

“Gusto mo bang makarinig Sinon ng mga tips kung papaano ba dapat magpautang?”

“Kaya nga andito ako Sir Vince kasi gusto kong marinig ang payo mo… ang advice.”

“Oo, para yung listahan mo ay mabawas-bawasan naman, di ba?”

“Naku! Parang hindi mababawasan yun! Sa totoo lang, hindi mababawasan.”

“Paano ba magpautang ng tama? I-encourage muna natin silang umutang sa mga formal financial institutions katulad ng bangko, kooperatiba at microfinance NGOs.”

“Minsan, pag nangungutang na sila, pag sinasabi, “Eh, bakit hindi kayo sa bangko mangutang?” Sasabihin, “Eh, wala na kaming ibang option, ikaw na lang talaga. Nag-try na kami sa lahat. Ikaw na lang ang pinaka-last option.”

“”Right. Okay. So, yan na ‘no… so, yun nga yung sinasagot kaya pupunta tayo sa second step. Tandaan na ang responsibilidad sa pangongolekta ay nasa nagpapautang. Hindi yung nangungutang yung may responsibilidad, okay?”

“Mmhhmm.”

“So, ang titingnan mo muna, dahil ikaw yung may responsibilidad dun, ang titingnan mo muna ay meron bang kakayahan yung papautangan mong magbayad? May source of income ba siya?”

“Oo…”

“Bigyan mo ng limitasyon yung sarili mo hanggang magkano lang, okay? At lilinawin mo kung ito ba ay utang o bigay? Kasi magkaiba yun.”

“So, ganito, pag may nangutang na sa akin, “O! Teka lang, mangungutang ka, alam ko na. Ano ‘to? Uutangin mo, ibigay mo? Sabihin mo na lang diretso!” Di ba!?”

“Yes! Di ba!? Oo! Para wala mng samaan ng loob di ba!?”

“Oo! Totoo! Wala ng samaan ng loob.”

“At gaya ng sabi mo kanina, hindi ka na aasa pa ‘no? O kung meron ka pa bang inaasahan o wala na? Malinaw.”

“Oo. Kasi pag sinabi, o eto di ba utang ba ito or wala nang bayaran? Dahil kung wala ng bayaran, sa iba ka mangutang.”

“Okay. Sige. Oo, nga naman.”

“Di ba!”

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: