Paano Magbukas ng PERA Account
Client suitability assessment form
Ginagamit ang client suitability assessment form upang maintindihan mo kung anong klaseng investor ka base sa iyong mga investment objectives, risk appetite, cash flow at iba pang mga impormasyong may kinalaman sa iyong pagiging investor. Tinatawag din ng ilan ang client suitability assessment bilang investor risk profiling questioannaire.
Nakasaad sa form na hindi ito komprehensibo pero makakatulong na rin para magkaroon ka ng general idea kung anong investment ang iyong kikilingan.
Base sa mga isinagot mo, gagamitin ito ng mutual upang ipakita sa iyo ang iba’t-ibang klase ng investment products na angkop sa iyong pangangailangan. Habang wala namang naitatakdang tamang sagot sa mga katanungan, mahalaga na makatotohanan ang pagsagot sa client suitability assessment form.
Para sa mga OFWs
Ito ang mga karagdagang requirements para sa mga OFWs – Overseas Employment Certificate (OEC) na in-issue ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Kung walang OEC ay kahit na anong dokumentong makapagbibigay ng patunay na ang investor ay kikita o kumita sa foreign currency sa taon ng PERA contribution.
Asawa ang magbubukas para sa asawang OFW
Kung ang asawa ang magbubukas ng PERA account para sa OFW, kinakailangang ipakita ang marriage certificate bilang patunay na sila ay kasal. Sworn certification na ang asawa ay nagbubukas ng PERA account para at alang-alang sa OFW na asawa na hindi pa nakakakuha ng benepisyo ng PERA.
Anak ang magbubukas para sa magulang na OFW
Kung ang anak ang magbubukas ng PERA account para sa OFW, kinakailangang ipakita ang birth certificate bilang patunay na siya ay anak. Sworn certification na ang anak ay nagbubukas ng PERA account para at alang-alang sa OFW na magulang na hindi pa nakakakuha ng benepisyo ng PERA.
Minimum investment amount
Ang minimum investment amount para makapagbukas ng PERA ay PhP1,000 lang. Pero hindi pa kasama dito ang fees sa pagbubukas nito. Sa karanasan ko, umabot ng halos PhP2,600 pesos ang fees.
Para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), ang maximum investment amount kada taon ay PhP200,000 samantalang PhP100,000 naman ito para sa karaniwang Filipino. (Side comment: unfair ito kung tatanungin niyo ako)
Para sa akin, mahalagang magkaroon muna ng financial plan at intindihin ang financial goals bago sumabak sa pag-iinvest sa PERA. Ito kasi ang magiging guide mo sa iyong investment objectives.
Tandaan ang prinsipiyo ko: “Your investments should match your financial goals.”