Ang Personal Equity and Retirement Account o PERA ay isang financial instrument para sa retirement na isinabatas ayon sa Republic Act 9505 noong 2008. Ang layunin nito ay para maitaguyod at maisulong nito ang capital market at savings mobilization.
Maraming tax benefits ang PERA . Hindi na kailangang magbayad tulad ng 20% withholding tax sa deposito sa mga bangko, capital gains tax, 10% Dividend tax at Regular income tax kapag nakapaloob ang investment dito.
Ang PERA investment ay hindi din maaring gamitin para sa attachment, garnishment at levy kapag ito ay napapakinabangan na.
Basahin ang “Understanding PERA Account” para lubusan itong maintindihan.
Requirements sa pagbubukas ng PERA Account
Sa kasalukuyan, dalawa pa lang ang accredited na PERA administrators sa Pilipinas – dalawang commercial banks. I-click “ito” para malaman.
Kailangang magbukas savings o checking account sa PERA administrator dahil ito ang magsisilbing settlement account. Ang settlement account ay ang bank account kung saan maaaring kunin ang investment, fees o kaya naman ay kita ng PERA.
Dapat magdala ng valid na government-issued identification card pati na rin ang tax identification number galing sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Kinakailangang magpakita ng anumang dokumento para ma-validate ang TIN number. Maari itong forms na ginamit na isinumite sa BIR tulad ng withholding tax forms o kaya naman ay income tax returns.
Ang government-issued valid ID ay bahagi g KYC o Know Your Client compliance ng PERA adminisrator. Sinusiguro nilang wala ka salistahan ng mga terorista o money launderers at galing sa malinis na paraan ang pumapasok at lumalabas na pera sa iyong account.
Customer information at signature card
May application form na ibibigay sa pagbubukas ng PERA account. Kasama dito ang client suitability assessment at signature card.
Kukunin sa application form ang iyong personal information katulad ng pangalan, tirahan, birth date at iba pa. Bibigyan ka din nila ng signature card para ito ang gagamitin nila na i-verify na ikaw ang gumagawa ng transaksyon in the future.
sir, paano ba ito?after 55 years ols makuha ang money woth the interest?or as pension?