was successfully added to your cart.

Cart

Paano mag-invest sa Pilipinas habang nasa abroad

Dugo, pawis at luha ang puhunan ng mga OFWs sa kanilang kita sa ibang bansa. Dahil dito, understandable na gusto nilang ma-secure at mapalago pa ito.

Lagi nila akong tinatanong kung paano sila mag-iinvest sa Pilipinas habang nasa abroad sila. May takot silang baka mawala ang kanilang pinagpagurang pera; madaya o ma-scam; o kaya naman simpleng mapagsamantalahan ng mga masasamang loob (who are mostly family or friends, hehe, joke lang)

So here are my suggestions:

Clarify your investment goals

 The surest way to ensure na tama ang investment na paglalagyan mo ng pera mo ay kung ito ay nakabase sa isang financial plan. Gumawa ng financial goals at laging alalahanin na dapat i-match ito sa tamang investment product.

(Read: Paano malalaman kung ano ang tamang investment product na nababagay sa plano o pangarap ko sa buhay?)

Avoid investment scam 

Laging alalahanin na dugo, pawis at luha ang puhunan mo sa pera mo, kaya wag pangunahan ng kasabikang mapalago agad ito dahil magiging lapitin ka ng mga scam. If it is too god to be true, IT IS to good to be true.

(Read: How to avoid investment scams)

Work with an authorized representative

Kung magbubukas ng investment accounts, siguraduhing authorized representative ang kausap mo. Kung sila ay agent o broker, hingin ang mga dokumento mula sa kanila na nagpapatunay na sila nga ay may authority na makaipag-transact sa iyo on behalh of a company.

Ipa-meet ang authorized representative na ito sa kamag-anak o kaibigan mo sa Pilipinas at bisitahin sila sa opisina nila mismo. Umiwas sa suggestion na sila ang pupunta sa bahay niyo o kaya makipagkita sa mall.

Ang pagkakaroon ng opisina ay isang senyales na legit sila. Habang nandoon, magtanong-tanong na rin sa mga katabing establishment kung gaano na katagal ang opisina nila para makaiwas sa mga fly by night companies.

Special power of attorney

Para naman sa mga transactions na mahahalaga tulad ng pag-execute ng deed of sale, pagpirma sa loan agreement o pagbubukas ng investment accounts, isang option ang pag-execute ng special power of attorney (SPA).

Ang SPA ay nakasulat na authorization na nagbibigay kapangyarihan sa isang tao (agent) na isakatuparan ang nais ng OFW (principal) under certain specified circumstances or conditions. Kumunsulta sa embahada o konsulato kung paano ito magagawa at siyempre, kumuha din ng advice mula sa isang abogado.

Huwang panghinayangan ang ibabayad sa abogado dahil ito ay para sa proteksyon mo para siguraduhing legal at maayos ang gagawin. Bahagi talaga ng pag-iinvest ang gastos sa legal fees.

Fix papers when in the Philippines

Ang best option talaga ay siguradong ikaw mismo ang gagawa at pipirma ng mga dokumento habang ikaw ay nasa Pilipinas. Sa ganitong paraan hindi mon a kailangan ng SPA.

Makipag-coordinate sa abogado mo o kaya sa gagawin mong authorized agent para maihanda lahat ng papeles bago ka umalis pabalik abroad.

Umiwas bumili ng insurance galing sa Pilipinas while abroad

 Talamak ang pag-aalok ng mga insurance agents mula sa Pilipinas sa mga OFWs while they are abroad ng investment-linked insurance products o yung tinatawag na VUL. Hindi ko keri ang VUL. BTID ang dapat gawin. (Read: Why not VUL?)

Bawal magbenta ang mga insurance agents mula sa Pilipinas habang nasa abroad ang OFW dahil kailangan nila ng lisensiya mula sa bansa ng binebentahang OFW. Example, kung naka-base ka sa Middle East, dapat kumuha muna ng lisensiya ang insurance agent mula sa Pilipinas sa Middle East para siya ay awtorisadong maapagbenta sa iyo ng insurance policy sa Middle East.

Kung pasaway at gagawin mo pa rin ito, null and void ang iyong insurance at wala kang benefit na makukuha. (Read: Babala sa mga OFWs sa pagbili ng insurance mula Pilipinas)

Money is not the goal

 Laging balikan kung ano ang dahilan kung bakit gusto mong mag-invest. Hindi sapat na gusto mo lang dumami ang pera mo o yumaman.

Money is just a tool.

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: