Usapang Pera Season 2 Episode 14
“So Sir Vince paano ko naman malalaman kung kumikita nga yung negosyo ko kasi baka mamaya pasok labas lang pala siya?”
“Right. So meron akong ginagamit na tatlong ratios para masukat kung yung negosyo mo ba talaga ay kumikita o hindi.”
“Madali lang tandaan actually. It’s patong, ikot, laway.”
“So ang una kong panukat diyan ay iyong net income idi-divide mo by sales.”
“So yung magkano yung kinita mo, idi-divide mo siya sa benta mo. Ok?”
“So parang ganito. Tatanungin mo yung sarili mo, magkano ba yung ipinatong mo diyan sa binenta mo na iyan. Ok.”
“So ang tawag ko dito ay patong. Ok?”
“Yung pangalawa naman ay sales over assets.”
“So magkano yung binenta mo idi-divide mo yan sa kabuuang assets na ginamit mo doon sa business.”
“So parang imbentaryo mo rin ba ito?”
“Yes. At ang tawag natin diyan ay gaano mo kabilis napaikot iyong iyong inventory o imbentaryo mo. Kaya ang tawag ko diyan ay ikot. Ok.”
“Iyong pangatlo naman ay titignan natin iyong
assets mo ididivide mo iyan sa iyong equity. Ok.”
“Iyong assets na ginamit mo para sa pagbi-business mo idi-divide mo siya sa kapital na inilabas mo para sa business na iyan. So, Ang tawag ko naman diyan ay laway.”
“Bakit laway?”
“Laway dahil nasusukat kung gaano kagaling mong nai-match iyong kapital mo para gumamit ng pera ng iba sa business mo.”
“So laway lang ang puhunan, diba iyon ang sinasabi. Na-gets mo na?”
“Parang tatatak na siya sa akin, Sir Vince.”
“Kung isa-summarize natin siya, madali lang tandaan actually. It’s patong, ikot, laway.”
“Tapos meron tayong actuallyng formula diyan. Kapag sinimplify natin iyong tatlong ratios na yan, lalabas iyong tinatawag nating Return on Equity. Ok.”
“O ito yuung kinikita mo base sa kapital na inilabas mo para sa business na iyan.”
“Tayong mga Pilipino ay naghahangad ng masaya, masagana at mapayapang pamumuhay.”
Kaya naman kailangan nating palawakin ang ating kaalaman sa pag-iipon, pag-iinvest at pangungutang. Ako si Nicole.”
“Ako naman si Sir Vince nagsasabing…”
“Ang pagyaman, napag-aaralan.”