Marami ang naghihinayang sa mga kinakaltas sa kanilang suweldo lalung-lalo na ang buwis, PhilHealth, SSS at Pag-IBIG. Sayang daw kasi ang mga ito dahil hindi napapakinabangan.
Dapat hindi tayo manghinayang sa mga ito dahil may benefits ito para sa atin at sa sambayanan. Ang pagbabayad ng buwis, nakakasama man ng loob na malaki ang napupunta sa corruption, ang pinanggagalingan ng maraming government projects na nakakaginhawa sa atin at nagpapaunlad sa lipunan.
Nakakatulong sa pagbibigay ng universal health care ang ibinabayad natin sa PhilHealth. Hindi man tayo nagkasakit para mapakinabangan ito (gusto mo bang magkasakit, in the first place?) nakakatulong ito sa maraming kababayan nating ibsan ang gastusing pangkalusugan.
Ang buwis at ang PhilHealth ay ang dalawang kaltas sa suweldo natin na hindi natin makita o maramdaman ang epekto. In contrast, sa SSS at Pag-IBIG, mababawi natin ang mga contributions natin pero ang mga ito ay long term in nature.
Para mawala ang agam-agam natin sa ating mga contributions at panghihinayang sa kaltas sa ating suweldo, i-verify natin ang ating contributions sa SSS at Pag-IBIG. Let us take a look at how this could be done in Pag-IBIG.
Hinihingi ng Pag-IBIG ang iyong full name, date of birth at ang pangalan ng iyong kasalukuyan at nakaraang employers para i-verify ang iyong contribution. Kaya ihanda ang mga impormasyong ito.
Pag-IBIG chat support
Isa sa latest kong nagawa ay gamitin ang chat support ng Pag-IBIG sa kanilang website. Hihingiin sa iyo ang iyong pangalan, email address, contact number at location. May dropdown menu din na pagpipilian kung ano ang topic na gustong pag-usapan.
Hinihing din ang MID number pero kung hindi mo alam, ok lang. Makakapagpatuloy pa rin sa chat.
Madali at tunay na mga customer representatives ang makakusap hindi bot lang.
Tumawag sa Pag-IBIG Hotline
Maganda at mabilis ang serbisyo ng Pag-IBIG hotline. Ang number nila ay +632-724-4244. I tried this when I verified my contributions.
Mahalaga na ma-verify ang contributions mo sa Pag-IBIG para malaman mo kung nire-remit ng employer mo ang kinakaltas sa suweldo mo. Isang paraan din ito para malaman kung may ibang gumagamit ng pangalan mo para makakuha ng loan. (Read: Dapat bang mangutang sa Pag-IBIG para siguradong walang gagamit nito?)
Bumisita sa pinakamalapit na opisina ng Pag-IBIG
Isa sa mga paraan para i-verify ang iyong contribution sa Pag-IBIG ay sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang opisina. Dito, hihingan ka ng government ID para i-verify ang iyong identity.
Nasubukan ko na ito at mabilis namang maipapakita sa iyo ng mga staff ang iyong contribution. Maari ding humingi ng printed copy.
Dahil nandoon na rin lang ako, in-update ko na rin ang aking personal information. Ang address kasi na nakalagay doon ay yung home address ko pa noong una akong nag-trabaho 18 years ago.
Follow up online
Wala kang time bumisita sa opisina nila o kaya naman ay hindi mo lang gustong makipag-usap face to face? You can use three options to get in touch with Pag-IBIG.
Puwede kang magpadala ng email sa kanila at contactus@pagibigfund.gov.ph. Maari ka ding makipag-chat sa kanila. Click this to visit their chat link. At siyempre, puwedeng-puwede ka ring mag-private message sa kanila sa pamamagitan ng Pag-IBIG Facebook page.
May pakinabang sa Pag-IBIG
Dahil Pag-IBIG ang national savings program ng gobyerno, maraming benefits na puwede makuha. Isa na dito ang pagbawi sa contribution mo while you were working kasama na ang contribution ng iyong employer at mga dividends nito.
Sa Modified Pag-IBIG Savings II o MP2, malaki ang dividends na ibinibigay. Last year nasa 8% ang dividend rate.
You can also avail of multipurpose loans, calamity loan at housing loans as a member. May kaunti ding death benefit na ibinibgay sa mga members.
Kaya kung ako sa iyo, dadagdagan ko pa ang contribution ko sa Pag-IBIG kaysa pag-isipang ihinto ito o kaya naman ay panghinayangan. Malaki na ang benepisyong nakukuha mo, nakakatulong ka pang lutasin ang problema sa pabahay ng bansa.