Isa sa mga pino-promote kong programa ng gobyerno ay ang Pag-IBIG. Ito ay ang national savings and housing program ng gobyerno.
Noong ipinalabas sa Usapang Pera episode 5 kung saan Modified Pag-IBIG Savings 2 o MP2 ang topic, maraming naging interesado dito dahil malaki ang dibidendong ibinigay nito noong 2017. Gaya ng sabi ko sa show, ang MP2 ay 100% guaranteed ng gobyerno at wala itong limit.
Ang pre-requisite sa pagsali ng MP2 ay dapat active member ng Pag-IBIG. Ibig sabihin, nakapag hulog dapat tayo ng isang beses sa ating Pag-IBIG Savings 1 o P1, sa huling anim na buwan. So bago mapapakinabangan ang MP2, dapat ay nakakapaghulog tayo sa P1.
Marami ang nagkainteres na i-reactivate ang kanilang membership sa Pag-IBIG dahil gustong makasali sa MP2. Kadalasang sila ay mga OFWs na nasa ibang bansa kaya hindi nakakapaghulog o kaya naman ay dating empleyado at ngayon ay may sarili nang business o kaya naman ay unemployed kaya hindi na naasikasong hulugan ang Pag-IBIG.
Anuman ang dahilan, nakapakadali lamang na i-reactivate ang Pag-IBIG membership. All you have to do is contribute the PhP200 minimum contribution to your P1 account.
Ang crucial dito ay dapat alam mo ang iyong Pag-IBIG membership identification number. Kung hindi mo alam, tanungin ito sa human resource department na dating pinagtatrabahuhan o kaya naman ay diretso na lang na pumunta sa opisina ng Pag-IBIG upang ito ay malaman.
Kapag nakapaghulog ka na sa iyong account gamit ang iyong membership identification number, wala ka nang ibang kailangang gawin. Reactivated na kaagad ang iyong membership.
Para sa mga OFWs, puwede ninyong ipakiusap sa mga kamag-anak niyo sa Pilipinas na sila ang magbayad ng hulog ninyo kung wala kayong oras pumunta sa mga accredited remittance agents ng Pag-IBIG o kaya ay sa konsulato o embahada ng Pilipinas abroad.
Sa mga voluntary members at OFWs. Maari niyo rinng bayaran ang buong taong hulog nang minsanan to make sure na wala talaga kayong mintis sa paghuhulog at matatamasa ang iba’t ibang produkto o serbisyo ng Pag-IBIG.
Ano pang hinihintay niyo, i-reactivate na ang inyong Pag-IBIG membership!