Kagabi ay inaya ko sa maikling kuwentuhan ang isa sa aking management staff. Nagbabalik kasi siya sa SEDPI matapos niyang matapos, with distinction, sa London School of Economics ang kaniyang masters.
Nakadama ako ng pangamba kung tatanggapin ba niya ang offer namin sa kaniya gayong napakaraming nagbukas na opportunities para sa kaniya. Pero nakahinga ako nang maluwag nang hindi ko na kailangan pa siyang pilitin.
Napunta kami sa kuwentuhan ng aming mga magulang. Dinala niya kasi sa London ang kaniyang mga magulang para umattend ng kaniyang graduation.
Pareho kami ng observation na may pagkakaiba ang pagkilala natin sa ating mga magulang noong tayo ay bata pa kumpara ngayon na sila ay matanda na. Ang sabi niya sa aki’y para bang kailangan niyang kilalanin ulit ang kaniyang mga magulang.
Ang sabi ko lang sa kaniya ay nagbabago ang mga tao. Sabi ko, malamang ang mga magulang mo, ganun din ang pakiramdam – nag-iba ka din. Tingin ko, noon din lang niya na-realize na hindi lang siya ang nag-aadjust para sa mga magulang niya, pilit ding mag-adjust ng mga magulang niya sa kaniya.
Given this, kailangang maging bukas sa pakikipag-usap sa kanila. Pero binalaan ko rin siya na ang baby boomer generation speak in codes. Hindi sila sanay na diretsong magsabi ng saloobin nila kaya paminsan naidaraan ito sa parinig.
But let us not take that against them. I think that is largely a generational culture rather than intentional.
Ako ang ginagawa ko ay dagdagan ang pasensiya at pang-unawa para magkaintindihan. Totoong parang nabaliktad na ang roles, tayo na ang nag-aalaga sa ating mga magulang.
What I do is to find joy in rediscovering them. Kung nung bata tayo ay ikinakatuwa ilang maturuan tayo, ganun din ang frame of mind na ginagamit ko ngayon.
For example, tinuruan ko si mama na mag-create ng album sa Facebook na restricted as “only me.” Siguro naka-tatlo o apat na beses kaming practice sabay sulat ng mga instructions para sa kaniya.
I felt happy doing that and maybe that’s the same happiness she felt when she was teaching me how to talk, how to walk, how to read. Sabi ko sa kaniya, be thankful that you still have the privilege and time to get to spend time with them.
Yun lang, bow, tigil ko na ito dahil super krayola na naman. Hehe.