Simula nitong June 2017, ako ay uma-attend ng klase sa build and sell ng real estate property. Matatapos ang klase namin sa September 2017. Nais kong ibahagi sa inyo ang ilan sa mga napag-aralan namin.
Isa sa mga unang passive income ko ay rental property. Gusto ko ito dahil nakapagbibigay ng passive income sa pamamagitan ng rental income at habang tumatagal ang panahon, may capital appreciation din sa lupa.
Ang una kong naging rental property ay isang four-unit apartment na naipatayo ko noong ako ay 26 years old. Nabili ko kamakailan ang katabing lote at nais ko ulit itong patayuan ng apartment. Para ma-improve ang aking apartment, minabuti kong um-attend ng course on real estate.
Ang unang kailangang gawin kung balak magpatayo ng rental property ay ang site selection. Ito ay ang lugar kung saan itatayo ang property.
May mga ibang nagbabalak bumili ng lupa o kaya naman ay nagmamana ng lupa. Kung bibili man o magmamana ng lupa, kailangang gumawa ng market research para masiguradong ang itatayong rental property ay swak sa pangangailangan ng market.
Area assessment
Ang una kong ginawa sa market research ay magpunta sa site at inilista ang mga klase ng property na nakapaligid. Maari itong mga sumusunod: lote, townhouse, apartment, single detached, condo, commercial space, warehouse, boarding house, dormitory, parking lot at iba pa.
Hinati ko ang lugar sa tatlong bahagi. Ang una ay ang vicinity na may 1Km radius mula sa property. Pangalawa ay 1-2Km radius at pangatlo ay ang 2-5Km radius.
Nagbibigay ito ng impormasyon kung anong klaseng mga property ang nakatayo sa vicinity. Mahalaga ito dahil karaniwang hindi malalayo sa mga ito ang ipapatayong property.
Hindi naman kinakailangang gawin ito bawat kanto o block. Maaring kumuha lang ng sample area para makapagbigay ng maayos na impormasyon.
Supply of rental properties
Sinuri din namin kung anu-ano ang mga rental properties sa lugar upang malaman kung anu-anong supply ng rental propeties ang available. In-interview namin ang mga taga-bantay ng rental property at mga tenants.
Kinuha din namin ang mga nakapaskil na impormasyon sa lugar tulad ng pangalan at contact numbers ng mga rental properties sakaling wala kaming makausap. Pagdating sa opisina ay tinawagan namin ang mga ito para ma-interview.
Tinitingnan din namin ang mga available rental properties online. Sa pamamagitan nito, malalaman kung anong klase ng rental property ang kasalukuyang patok sa mga tenants. Nagbibigay din ito ng ideya kung mabilis o mabagal mapuno ang mga rental properties.
Profile of tenants
Ang sunod naman ay tinitingnan ang demographics ng mga tenants sa lugar. Magbibigay ito ng impormasyon kung anong klaseng market ang tumatangkilik sa mga rental properties sa lugar.
Inaalam namin ang mga sumusunod: edad ng nangungupa, trabaho, gaano na katagal nangungupa, kumpanyang pinagta-trabahuhan, lugar kung saan nagta-trabaho at bilang ng kasama sa inuupahang unit.
Tintitingnan din namin ang mga paraan ng pagbabayad ng mga tenants – cash, check, bank deposit, credit card etc. Tinatanong din namin kung ilang buwan ang security deposit at ilang buwan ang advanced rental payment. Inaalam din kung may minimum number of months sa pangungupahan na nakapaloob sa kontrata.
Sinusuri din namin kung ano ang mga amenities sa inuupahan – kabuuang sukat, bilang ng bedroom, CR, living room, dining room at kusina. Panghuli, inaalam din namin kung ano ang malapit na public transportation sa lugar.
Research objective
Ang lahat ng ito ay ginagawa upang malaman kung ano ang pinakamainam na gamit sa property para magkaroon ng pinakamataas na kita kasabay ng pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga tenants.
HI sir Vince
Plano ko po sana magpatayo ng house ang Lot At ipa rent-to-own ito up to 30 years terms
Hi Sir Vince, very useful po lahat ng articles nyu. I particularly look for this article kasi Im interested on having my own rental property also. May I ask po, yung online courses po ba na namention nyu dito sa article na ito is short courses lang? Saan po iyon? Thank you!
– OFW from Muscat
Short course po siya. ONline course. Hopefully ma-launch na namin. =)
Hello sir, salamat po sa mga info and advices na binabahagi mo, may tanong lg mu ako sir, ok lg ba bumili nang lupa? Isa po akong ofw, salamat po
Ito po mga articles ko diyan:
http://vincerapisura.com/magandang-investment-ba-ang-lupa/
http://vincerapisura.com/savings-ba-ang-lupa/
hi sir vince, may naipon po ako pera almost 1m pero may hinuhulugan akong house and lot na 2.6 m pesos at nakadownpayment n po ng 1m. ano po unahin ko ibayad ung naipon ko or ipangpapagawa ko n lang dun sa hinuhulugan kung bahay para gawing apartment rental property?
Paki-lagay po lahat ng information. Amortization ng two properties, interest rates at purpose ng dalawang properties.
Hi Good day Sir Vince, I am planning to build my own rental apartment next year. Should I consider borrowing money from the bank since i dont have that tremendous amount of money to start my rental business? Thank you! Maan -OFW from Macau
Yes but you have to make sure that the amortization of the loan could be covered by the rental income.
Thank you sir vince for the impormation…asked q lang po pano niyo po na manage yung finance to build the renting property…?