was successfully added to your cart.

Cart

Paano gumawa ng financial plan

May limang steps na dapat sundin sa paggawa ng financial plan. Ito ang mga sumusunod:

  • Your financial starting point: Knowing where you are financially
  • Set financial goals and priorities
  • Decide on timeframe and a budget
  • Match financial goals with source of income
  • Implementing and monitor your progress

1. Financial Starting Point

Sa bawat pagpa-plano mahalagang malaman natin kung saan tayo nagsisimula. Ito ay maituturing na pagsusuri o diagnostics sa personal finance level ng isang tao.

Makakatulong ang mga videos na ito upang malaman ang personal finance level. Quick assessment. Itong video ding ito ay nagpapaliwanag sa financial life stages. (Watch: Financial Self Test)

Mahalagang malaman ng isang tao ang kaniyang financial life stage upang matukoy kung anu-ano pa ang mga kinakailangang paghandaan upang maabot ang financial freedom. Para malaman ang financial life stage, kailangan nating isulat ang mga kita (income) at gastos (expenses).

Sa “Money In Money Out” form na ito, maari mong ilagay ang iyong kita at gastos at ibibigay nito ang iyong financial life stage. Sa “Personal Balance Sheet” form naman na ito, malalaman mo kung sapat ba ang iyong network base sa iyong edad.

2. Set financial goals and priorities

Ang pangalwang hakbang sa paggawa ng personal financial plan ay ang pagtukoy ng mga financial goals at pagsasayos ng mga ito ayon sa kanilang kahalagahan o prioridad.

Ang problems sa karamihan ay masyado tayong maraming financial goals kaya nawawalan tayo ng focus. Maigi kung ang gagawing financial plan ay may dalawa hanggang tatlong financial goals lamang.

“Ano ang magpapaligaya sa iyo?”

Ito ang tanong na dapat mong sagutin kung ikaw ay gumagawa ng financial goals. Dahil iba-iba tayo ng kaligayahan, iba-iba ang lalabas na financial goals.

Sa aking pananaliksik ito ang tatlong karaniwang financial goals: (1) matiwasay na retirement; (2) magkaroon ng bahay; (3) mapagtapos ang mga anak.

Huwag kakalimutang lagyan ng purpose ang iyong financial goals upang magsilbi itong insipirasyon.

3. Decide on timeframe and budget

Kapag napagdesisyunan na ang financial goals at naisayos na ito ayon sa kanilang prioridad, ang susunod na gagawin ay lalagyan ng budget at timeframe ang bawat financial goal.

Ang budget sa financial goals ay ang kaakibat na gastos upang matustusan ang financial goal. Halimbawa, sa financial goal na magkaroon ng matiwasay na retiement, ang mga sumusunod ay kailangang lagyan ng budget upang matupad ito: budget sa pang-araw-araw na gastusin tulad ng pagkain, gamot, tubig, kuryente at budget sa bakasyon dalawang beses isang taon.

Ang gastos ay nagpapakita ng  ating napiling pamumuhay o lifestyle dahil bawat kilos ngayon ay may kaakibat nang gastusin. Ang mas simpleng pamumuhay ay nangangailangan ng mas maliit na gastos, kaya mas maliit din ang kinakailangang paghandaang budget para dito.

Susumahin ang mga gastos upang magkaroon ng budget sa bawat natukoy na financial goal. Pagkatapos nito ay susuriin kung kailan maaring matpad ang financial goal. Ang tawag dito ay timeframe.

4. Match financial goals with source of income

Matapos magkaroon ng budget, kinakailangan na itong hanapan ng mapagkukunang kita o source of income. Mayroon tayong tatlong klase ng source of income –trabaho (employment), negosyo at investments.

Halimbawa, sa retirement financial goal, maaring pagkunan ang SSS at rental property ang bahagi nito na tutustos sa pangaraw-araw na pangangailangan.

Mahalaga na matutong mag-invest nang maaga dahil ito ang isa epektibong paraan ng pagkakaroon ng karagdagang kita. Ganun din sa pagnenegosyo. Ang pinkamaigi ay maglaan ng bahagi ng suweldo sa pagtatrabaho para sa pagi-invest o kaya naman ay sa negosyo.

Sa aking 5-15-20-60 budgeting rule, 20% ang pinapayo kong ilaan para dito.

5. Implementing and monitoring your progress

Para makamit ang retirement financial goal, kinakailangang magtrabaho o magnegosyo para may panghulog sa SSS at magpatayo ng apartments para naman magkaroon ng rental income.

Kinakailangang gumawa ng action guide kung papaanong magkaroon ng kapital sa pagpapatayo ng apartment. Malaki ang gagampanan ng pagkakaroon ng trabaho para dito.

Maari kasing sa suweldo galing sa trabaho ang panggagalingan ng ipon para magkaroon ng down payment sa apartment. Maari ding kumuha ng loan sa kumpanyang pinagta-trabahuhan o kaya sa PagIBIG para sa pagpapatayo ng apartment.

Isa lamang itong halimbawa. Ang dalawang nahuling hakbang sa financial planning ang pinakamahirap dahil kinakailangang ang diskarte at pagiging malikhain upang matupad ang pinapangarap mong financial goals.

Kapag nailatag na ang plano, mas madali nang gumawa ng desisyon at pumili ng iyong mga gagawin araw-araw. Ito ang magiging gabay mo sa mga gagawin mo sa bawat pagbangon.

Hindi maganda ang isang financial plan kung ang pakiramdam mo pagkatapos nito ay dagdag pahirap kaysa ginhawa. Kaya kinakailangang ang plano mo ay maging source ng inspiration at moitivation.

Tandaan, “if you fail to plan, you plan to fail.”

 

 

vincerapisura.com


15 Comments

  • nicco alwin s. dela torre says:

    sir how to make an execution plan for delinquent client

  • Elly says:

    Sir I;m one of your avid fan \regarding in financial freedom ,,, Thank you for making all the blogs and topics .. Hopefully I could get over all my debts … and really want to be stress free po.. hehe.. God bless Sir.. Keep on inspiring,,, 🙂

  • Glenda says:

    Iam failed to all my financial goal, ibinuho lahat sa family ko oras offort, lakas , financial, ending sakin lahat ang bagsak, sayang dapat nun ko pa natutunan itong financial plan lalo na sa mag asawa, ang laki ng impack sakin ang mga maling desisyon sa buhay.. Although nakatapos na ang 2anak qu nagkaroon ako ngayon ng lapses sa financial goal, dahil kelan may idad na ko saka ako nawalan ng pera o ipon , ang natira sakin ay mga utang.. Nakahit nag hahanapbuhay na mga anak ko , parang kilang at kuilang parin, lagi naming pinag aawayan ang pera at pagbudget sa bahay.. Dahil sa pagbubunganga ng mr. Qu, ang gastos o budget ay natural lang pero hinahanap pa rin nya ang pera kung naipamoli o na ipambayuad na.. Ang hirap ng sitwasyon ko .. Walax naxqu work ngaun 2 business ko nagfailed hindi nagwork out.. So help me anu ang maiipapayo nu sakin . babe

  • Aron says:

    Thank you sir! Very helpful po. Okay po bang mag ask ng advice saiyo in private.

  • Maria Andes Tejereso-Caspe says:

    Thank you sir Vince for explaining this, magandang guide ito sa akin to focus on my major financial goals which is financial freedom at retirement dahil malapit na akong magretire. God bless you more!

  • Gingle says:

    Thank you sir vince sa mga guide mo , hindi ko man eto na gagawa or nasusunod lahat pero pero marami akkng natutunan sa inyo god bless you more ..

  • Joy Divinagracia says:

    Thank you 😊 Sir Vince natuto na talaga me ngayon mag budget ng Tama and mag porsige sa pag iipon and Plano para sa maayos na retirement na masaya at may pagkkunan.Inspired ako sa mga guide mo 🙂 ipagpatuloy Lang po ninyo yan and madami pa po Kau matulungan:) God bless you !

  • Jo says:

    Helpful guide. Thanks for sharing!

  • Belen Mancia says:

    Thank you sir Vince more power to you.God bless.

  • Tonet says:

    Thanks po sa advice sir

  • Nancy says:

    Thank you sir in your inspiring messages

  • rolando cambia jr says:

    Thanks sa info so much learn …

  • Esperanza S. Socuano says:

    Thank you po sa topic na ito, may natutunan po ako

  • Ging says:

    Thank you for simplifying and sharing this topic

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: