Madaling gumawa ng financial goals dahil libre naming mangarap. Ngunit marami sa atin ay mananatili lang na pangarap ang mga ito.
Paano nga ba maisasakatuparan ang ating mga financial goals?
Happiness
Ang unang tanong na kailangang sagutin upang malaman natin ang ating financial goals ay, “Ano ang nagpapasaya sa iyo?” (“What makes you happy?”) Kung alam mo ang mga tao, bagay o pangyayari na nakapagpapasaya sa iyo, madaling makakagawa ng financial goals.
Kailangang linawin ang pagkakakilala sa sarili kapag tayo ay gumagawa ng financial goals. Kasama sa pagkilala sa sarili ang pagintindi kung anu-anu ang iyong mga pangangailangan, mga gusto at mga pangarap sa buhay.
Ang pinili mong lifestyle ay naka-base din sa iyong pangangailangan, gusto at pangarap. Gumagastos ka kapag isinasabuhay mo ang pinili mong lifestyle. Mayroon itong financial implications.
Ang diperensiya ng paginum mo ng kape sa Starbucks o kaya’s instant coffee araw-araw sa tanang buhay mo ay aabot sa PhP~1.6 milliong piso. Isang napakalaking halaga. Ito ay isa lamang sa mga implikasyon nang dahil sa pagpili sa lifestyle choice.
Kapag pinagpatung-patong ang mga pinili mong lifestyle choices –paninigarilyo, madalas na pagkain sa labas, magarbong bakasyon, at ang pagkakaroon ng pinakabagong gadgets kada taon—doon mo mapagtatanto kung bakit hindi umuusad o napapako sa financial start up stage ang karamihan.
Budget
Ang pangalawang requirement sa pagtatalaga ng ating fiancial goals ay kung lalagyan ito ng budget o katumbas na gastos para tustusan ito. Lagi nating sinasabi na libre ang mangarap. Ngunit hindi ito kumpleto kung susundin ang panuntunann ng personal finance.
Kinakailangang lagyan ng budget ang ating mga pangarap para kapag tayo ay nagplano sa pagabot ng ating mga pangarap nagiging makatotohanan ang mga
ito at makakadisarte tayo nang mas maayos.
Isa sa mga pinakanatatandaan ko noong ako ay nagaaral pa ng aking Master’s sa Asian Institute of Management ay ang sinabi ng isa sa aking mga propesor, “Ang hindi mo nasusukat (measure) ay mahirap i-manage.”
Kapag nilagyan natiin ng budget o halaga ang ating mga pangarap, isa na itong paraan ng pagsukat nito. Ito ang unang gawain tungo sa pagkamit ng mga pangarap o financial goals.
Timing
Ang pangatlong aspeto ay timing. Kapag ikaw ay gagawa ng iyong financial plan, kailangan alam mo kung kailan mo gustong maabot ang iyong mga financial goals. Ito rin ay isang paraan ng pagsukat.
Kapag pinagsama natin anng paglalagay ng halaga o budget sa ating financial goals at pagalam kung kailan mo gustong makamtan ang mga ito, nangangahulugang mayroon ka nang malinaw na financial goals. Mas madali at mas madidiskartehan ang pagkamit sa mga financial goals ngayon na may malinaw ka nang pagintindi sa mga ito.
Gawin ang mga sumusunod: Ilista lahat ang iyongmga financial goals. Pagkatapos ay alamin kung magkano ang aabutin na halagang budget at ang target date kung kailan mo ito nais makamtan.
Kapag pinapagawa ko ang ganitong workshop, nalalamon o nao-overwhelm ang aking mga participants sa mga halagang nakikita nila at nakakaramdam sila ng sense of urgency dahil sa napakalaking halagang kakailanganin nila upang matupad ang kanilang mga pangarap.
Ito ang limang nangungunang financial dreams ng mga nakadalo na ng aking financial literacy trainings: magipon para magkaroon ng retirement fund (86%); magpatayo ng bahay (76%); magpatayo ng negosyo (69%); mapagtapos ang mga anak sa pagaaral (43%); at magipon para sa kinabukasan ng mga anak (38%).
Priority
Pagkatapos malagyan ng halaga at timing ang iyong financial goal, ang susunod naman na kailangang gawin ay i-pryoridad ang mga ito. Ang pagpili mo kung ano ang uunahin mo sa mga inilista mong financial goals ay nagsasabi nang marami kung ano ang mga pagpapahalaga o values mo sa buhay.
Ito ay isang paraan ng pagkilala mo sa sarili mo. Sa ngayon, maaring mahirapan ka pang gumawa ng desisyon. Kaya makakatulong ang susunod mong dapat gawin. Ibahagi mo o i-share mo sa ang financial goals mo sa pamilya mo—sa mga anak mo at sa asawa mo. Makakatulong sila na malinawan ang iyong values at financial goals.
Para magawa ito, ilista sa isang papel ang iyong needs and wants. Ang needs o mga pangangailangan ay mga bagay na ikamamatay mo kapag tinanggal sa buhay mo. Ang mga wants naman ay mga bagay na nakakapagpagaan ng buhay.
Kapag nailista na ang mga ito, lagyan ng numero ang bawat isa mula sa pinakamahalaga na hindi dapat ipagpaliban at sa hindi pinakamahalaga o mga bagay na maari mong tanggalin sa iyong buhay.
Sa pamamagitan nito, malalaman mo kung anu-ano ang prayoridad mo sa buhay.
Family
Sa katunayan, mas maganda kung gagawin ang pagpa-plano sa financial goals kasama ang pamilya. Sa gayon, magkakaroon ng responsibilidad ang lahat na mag-ambagmag-contribute para makamit ang mga pinapangarap.
Magkakaroon din ng panangutan o accountability at may pagbabantay na magaganap sa resposibilidad ng bawat isa. Kapag may darating na krisis o magkakaroon ng problema sa pera, mas madali itong mapaguusapan sa pamilya dahil ang mga dsisyon ay maibabase sa mga dati nang planong napagkasunduan.