was successfully added to your cart.

Cart

Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency

Ang premium ay ang ibinabayad natin sa insurance policy natin bilang kapalit ng benefit na makukuha sakaling mangyari ang insurable event. Papaano ba ito ginagamit ng mga insurance companies?

Pooling of funds

Tinitipon o pinu-pool ng insurance company ang premium sa mga kliyente nito.  Dito kinukuha ng insurance company ang pambayad sa mga gastos na kaakibat ng pagbebenta at pagbibigay ng insurance.

Invested to pay for claims

Ini-invest din ng insurance company ang natitirang premium. Ang naiwang premium at ang kinikita sa investment ang siyang ginagamit nito na pambayad sa mga benefits o claims ng mga kliyente.

Insurance is for protection not investment

Ang pinakamalaking misconception sa premium na ibinabayad sa insurance ay ito ay nawawala pagkatapos natin itong mabayaran. Gusto kasi ng marami na kumita o maibalik sa kanila ang premium na ibinayad sa kanila kung walang nangyari sa kanila.

Dahil serbisyo ang ibinibigay ng insurance companies – proteksyon sa mga panganib – hindi nararamdaman o nakikita ang produkto. Dito nagsisimula ang kalituhan sa premium.

Binabayaran natin ang insurance company ng premium para sakaling dumating ang panahon ng panganib, tayo ay makakauha ng benepisyo o claim sa kanila.

We pay for period we are protected

Ang time period covered ay hindi kasi nararamdaman kaya’t ang akala ng marami kapag walang nangyaring masama ay dapat maibalik ang premium na ibinayad. Maling pagtanaw ito sa premium.

Ihalintulad natin ang pamasahe sa eroplano. Kapag tayo ay sumakay ng eroplano at lumipad tayo from point A to point B. Sinasabi ba nating dapat ay isauli sa atin ang ating pamasahe dahil nakaabot na tayo sa ating patunguhan.

Ang sa insurance naman ay imbes na distance ang na-cover, panahon ang lumipas. At ang panahon na yan ay ang period na nabigyan tayo ng protekyon kapag may nangyari sa atin, meron tayong maasahang claim or benefit.

Kapag walang nangyari, dapat ipagpasalamat natin ito sa itaas. Kasi kapag naka-claim tayo ng benefit sa insurance, ibig sabihin ay may masamang nangyari.

Hindi dapat natin iniisip na kapag walang nangyari sa atin ay dapat isauli o may balik sa atin ang premium na ibinayad. Alalahanin na ang insurance ay pooling of risk.

Ang ibig sabihin nito ay ginamit ng insurance company ang bahagi ng premium natin para sa claim ng ibang tinamaan ng sakuna, emergency o anumang insurable event sa panahon na yon.

Premium as expense

Kaya ang tamang pagtingin sa insurance premium ay dapat itong ituring na expense at hindi investment.

Halimbawa, sa PhilHealth. Kapag nagbayad tayo ng premium at hindi natin ito nagamit sa panahon na tayo ay covered, expense na iyon. Hindi ibig sabihin na voided ang ibinayad na premium.

Nagastos na ito o nagamit na ito. Binayaran natin ang panahon na kapag tayo ay nagkasakit makaka-claim tayo ng benebisyo sa PhilHealth.

Kaya sa susunod na iisipin mo ang bayad sa premium sa insurance, isipin mo na ito ay gastos hindi investment. Kung ang pamasahe ay bayad sa distance travelled ang premium ay bayad naman sa panahon na tayo ay binibigyang ng proteksyon.

Premium should be affordable

Dahil dito, napakahalaga na dapat mura lang ang kukuning na insurance premium. Mura lang dapat ang insurance.

vincerapisura.com


4 Comments

  • mannylen says:

    Hi, Sir Vince! Ask ko lang po, paano po ang gagawin ko kapag ‘di na po kaya panindigan at tuparin ng isang Life Insurance ang obligasyon nila sa mga Policyholders? Like in my case, nakakuha po ako ng Endowment Plan + Investment package at regular na naghuhulog at 2028 pa sana ang maturity. Pero dahil po sa ‘di sila nakapag-comply sa requirements ng Insurance Commission o IC ay ni-revoked na po ang licence nila to sell and operate. Under Receivership Stage na po sila ATM at hawak na ng IC. May Stay Order pa po galing IC ’til dec27 this year. After such time ay Liquidation na daw po para may maipambayad sa amin as Policyholders sabi ng appointed Atty. of IC. Ano po ba ang ‘COME ON’ na tinatawag sa Policy Contract ng Insurance? Gaano po kalaki ang chance na mabawi ang buong hinulog na premiums yaman din lang na sila ang nag-breached ng contract? Kung ‘di mabawi ng buo ang premiums paid, anong kaso po ang pwede isampa? Salamat po, Sir Vince! Mabuhay po kayo..

  • Jhiprie says:

    Hi sir vince,nung mabasa ko tong article mo about insurance paramg gusto kong i back out ang nasimulan kong insurance,late qna talaga naisip na dapat isa lang sa aming mag asawa ang kumuha ng insurance,tanong ko lang,tama ba na dalawa kmi ng asawa ko ang my insuran sir vince?salamat po,lagi po ako nagbabasa sa mga article mo..

  • Ces says:

    Thank you po sa info now naliwanagan n po ako balak ko dn po kasi mg avail sana ng health insurance s isang company

  • vincent m. roldan says:

    hi sir vince. ang tanung ko po paano malaman kung mura ang kinukuha na insurance? may nag alok sa akin na term insurance na 1,500?okay na po ba ito? sabi niya yan daw ang minimum. ang hinihikayat niya ako na kumuha ng vul kasi mas maganda daw. pero as of now hindi pa ako nag decide. salamat po

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: