Huwag masilaw sa mga rewards
Marami sa mga marketing promotions ng credit cards ngayon ay ang mga points o rewards na makukuha mo sa paggamit ng credit card. Kung hindi mo nababayaran ang buong statement balance ng credit card balance every due date, walang kuwenta ang points na nai-earn mo sa kanila.
Di hamak na mas malaki ang ibinayad mong interest kaysa sa katiting na points na ibinigay nila sa iyo.
Pumili ng credit card na swak sa lifestyle. Yung siguradong pakikinabangan mo ang mga points. Iwasan ang pag-sign up sa credit card dahil lang sa mga points na ibibigay sa iyo.
Iwasang mag-max out sa credit limit
Ang ideal na credit card usage limit ay katumbas ng hanggang kalahati ng credit card limit na ibinigay sa iyo. Mas mababa mas maganda.
Kapag na-max out mo ang credit card mo, ibig sabihin lumampas ka sa credit limit na ibinigay sa iyo, papatawan ka ng finance charge ng credit card company dahil dito. Maari din nilang itaas ang interest rate na ipapataw sa iyo dahil dito.
Establish good credit history
Isang magandang paraan ng pag-build ng credit history ang credit card lalong lalo na ngayon na meron nang credit bureau. Gagamit na ng credit score ang mga financial institutions sa pag-assess ng ating credit worthiness.
Again, kung hindi naman nasusunod ang tamang pagbabayad sa credit card, hindi ito makakatulong sa credit score mo kundi makakasira pa. Kaya ibayong pagiingat ang gamitin.
0% installment
Maari ding gamitin ang credit card sa mga 0% installment offers. Pero tumuloy lamang kung walang discount na ibibigay kapag babayaran ng cash.
Sa aking karanasan, nagbibigay ang maraming merchants ng discounts kung bibilhin ito gamit ang cash lalo na sa mga big ticket items. Kapag walang discount, puwedeng gamitin ang installment plan.
Pero sana huwag matuksong gamitin ang perang nakalaan para sa pagbabayad ng credit card. Gamitin ang cash na dapat pambayad sa short term investment opportunity.