Ang credit card ay palasak ngayon at napaka-aggressive ng mga marketing campaigns ng iba’t ibang financial institutions para dito. Kung marunong gumamit ng credit card, maganda ang pakinabang dito.
Pero sa katunayan, hindi lahat ay marunong gumamamit ng credit card nang tama. Ang akala nila sa credit card ay ATM na puwedng ikaskas at magkakagulatan na lang sa laki ng bayarin pagdating ng statement of account.
Anu-ano ang mga dapat gawin upang masulit natin ang paggamit sa credit card.
Bayaran ang whole statement balance sa due date
Hindi lingid sa ating kaalaman na napakataas ng interest rate na ipinapataw ng mga credit card companies. On average ito ay 3% per month. Mataas ang interest sa credit card dahil ito ay non-collateralized loan. Sa madaling sabi, ito ay clean loan.
Dapat, kaya mong bayaran ang whole statement balance sa due date. Ibig sabihin nito, walang matititrang amount na papatawan ng credit card company ng interest.
Kung may naiiwang balance, hindi para sa iyo ang paggamit ng credit card.
Iwasan na ang minimum amount due lang ang babayaran. Ang ibig sabihin nito ang balanse na due that date ay papatawan ng mataas na interest.
Magbayad on time
Bukod sa interest na babayaran mo dahil sa late payment, papatawan ka din ng credit card company ng late fee charge. Bukod pa ito sa penalty charge
Basahin ang terms and conditions ng iyong credit card para malaman kung ano ang rate.
Isa lang dapat
May panahon na hindi lahat ng merchants ay tinatanggap ang iba’t-ibang klase ng credit card. Ngayon, halos lahat ay accepted na.
Piliin ang credit card na malawakan ang pagtanggap dito upang hindi kinakailangang mag-maintain ng multiple credit cards.
Piliin din ang credit card na walang foreign currency coversion charge.