Hindi.
Basahin ang “Kailangan mo pa ba ng life insurance pagtanda mo?” para malaman kung anong klaseng insurance ang kailangan kapag tayo ay senior citizen na.
Totoo na ang term insurance sa Pilipinas ay covered lang tayo until the age of 65. Pero hindi ito enough reason na kumuha ng VUL o ng permanent life insurance.
Ang sagot ko ay kadugtong sa isang extensive article na isinulat ko kung saan ipinapaliwanag ko kung “Paanong mas maliit ang fund value ng VUL kaysa sa BTID.” Please paki-basa po ang article na iyan para mainitindihan nang lubusan ang aking paliwanag.
Ipinakita ko doon na at age 65, sa parehong rate of return assuming na sa same fund inilagay ang investment ng VUL at sa BTID, mas malaki pa din ang kikitain sa BTID strategy.
Ngayon, paano na daw after 65 years old, wala nang coverage sa BTID, sa VUL meron pa. Well, the simple answer is, the investment you earned from BTID will give you the protection which is already greater than what VUL can give you even at age 65.
If we were to extend our investments beyond 65, say at 90, hindi pa rin natin ginagalaw ang BTID natin kasi ganun din naan sa VUL, hindi mo siya gagalawin kung protection ang habol mo, di hamak na mas lalaki pa ang fund value sa BTID kaysa sa VUL.
Look at the extended table below which is a continuation of the previous table in the article “Paanong mas maliit ang fund value ng VUL kaysa sa BTID.”I don’t know with you, pero at 90 years old, very clear na mas malaki PhP36 million sa PhP20 million.