Usapang Pera Season 1 Micro-episode 2
“Yung anak ko, may trabaho na pero nakatira pa rin sa bahay. Anong gagawin ko?”
“Kung gusto ng anak na magstay sa bahay, kailangang magbigay siya ng counterpart sa household expenses.”
“Tulad ng pagkain, renta, kuryente at tubig.”
“Sa ganitong paraan, mararamdaman niya kung ano talaga ang mga responsibilidad niya.”
“Para sa akin, within two years after graduation, ang anak ay dapat bumukod na para naman matuto siyang tumayo sa sarili niyang paa.”
Sang ayon ako na dapat tumulong sa gastusin ang anak sa bahay upang matutong maging responsable sa pamilya at sarili. Pero sa aking palagay ay mahihirapan na bumukod ang anak makalipas ang 2 taon paglatapos magkaroon ng trabaho lalo kung maliit ang sweldo o hirap makahanap ng trabaho sa Pilipinas. Ang pagaabroad ay isang paraan para matutong maging independent, makatulong sa pamilya at sa bansa. Ngunit hindi ito para sa lahat. Kailangan ng disiplina, pakikisama, at pananampalataya.