was successfully added to your cart.

Cart

Must have insurance for people in their 20s

Mararamdaman na ang responsibilidad sa sarili pag tungtong natin sa ating 20s. Totoong bata pa ang edad na ito pero kinakailangang matuto nang maghawak ng pera habang maaga.

Mas maganda nga kung mas maaga pa itong gagawin.

Mababa ang prioridad ng insurance sa mga nasa ganitong edad dahil, dulot ng kabataan, hindi pa nila alintana ang mga panganib na umaaligid sa kanila. Nandyan din ang security na dulot na maari silang tumakbo sa kanilang mga magulang anumang oras sakaling may mangyaring di kanais-nais.

Sa aking financial life stages framework, nasa start up stage ang mga edad 20-21 years old; financial independence naman ang mga edad 22-25 years old; samantalang nasa maagang baytang ng growth stage ang mga edad 26-29 years old. (Basahin: Financial life stages; Panoorin: Financial life stages video.)

Pare-pareho ang iminumungkahi ko sa mga financial life stages na ito bilang panimula. Kinakailangan ng insurance.

Health Insurance

Pagdating natin sa edad na 21, sana naman ay hindi na tayo umasa pa financially sa ating mga magulang. Nagsulat na ako dati ng blog upang ipaliwanag ito. (Basahin: “Hanggang kailan mo responsibilidad ang anak mo?”)

Kaya kapag tayo ay nagkasakit at kinakailangang ma-ospital, hindi na sana tayo aasa sa ating magulang para sa pambili ng gamot, bayad sa professional fee ng doctor at hospital bills. Ang mabisang pananggalang dito ay kumuha ng health insurance.

Kapag nag-umpisa nang maaga, mura lang naman ang health insurance. Iminumungkahi ko na parehong for preventive health care at emergency care ang coverage na kukunin sa health insurance. (Basahin: “Health insurance versus HMO products”)

Kung kulang pa sa budget para bumili ng sariling insurance, siguraduhing tanungin ito sa mga ina-apply-an mong trabaho. Madalas nagbibigay ng health insurance coverage ang mga ito. Dagdagan mo na lang on your own kung kulang ang coverage na ibinibigay.

Ang pinaka-basic ay magkaroon ng Philhealth. (Basahin: PhilHealth 101)

Disability insurance

Nagbibigay naman ng income sa iyo ang disability insurance sakaling ikaw ay maging disabled o hindi na makapag-trabaho. Kung nakasalalay ang buhay mo sa iyong trabaho, mahalagang kumuha ng disability insurance para sakaling mangyari ito, may aasahang pa ring income na makukuha.

Kailan mo kakailanganin ang disability insurance?

The moment na mag-trabaho ka, kinakailangan mo nang kumuha ng disability insurance. Unfortunately, sa Pilipinas, ang disability insurance ay karaniwang rider lang sa life insurance. Hindi ito stand alone.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: