was successfully added to your cart.

Cart

Money tips para sa mga millennials

Pang-117 ang Pilipinas sa 143 na bansang sinuri sa Global Financial Literacy Survey ng Standard at Poor ng 2014. Ang survey na sumasaklaw sa mga katanungan tungkol sa risk diversification, inflation, numeracy at compound interest ay nagpakita na ang 25% lang ng mga Filipino ay financially literate.

Walang sorpresa sa mga natuklasan na ito lalo na’t mababa ang savings rate ng mga Filipino at mas mababa pa ang penetration rate kung pag-uusapan ay ang pag-access sa loans at investments.

Financial literacy among generations

Ang Generation X ay lumitaw bilang ang pinaka-edukado sa iba’t ibang henerasyon. Sila ay nakakuha ng literacy rate na 33%. Ang mga baby boomers ay nakakuha ng literacy rate na 23%. Habang ang mga millennials naman ay nakakuha ng 22%.

Kung ipinanganak ka mula 1980 hanggang 1998, kabilang ka sa pinakabatang henerasyon, ang mga millennials. Yung mga ipinanganak naman mula 1961 hanggang 1979 ay kabilang sa henerasyon ng Generation X. Samantala ang mga ipinanganak bago 1961 ay kabilang sa henerasyon ng mga Baby Boomers.

Dapat ay mas maraming dahilan kung bakit ang mga millennials ay mas magandang financial literacy laban sa mga naunang henerasyon. Mas mabilis ang pagkuha ng impormasyon ngayon dahil sa Internet.

Maari silang manaliksik ng iba’t ibang financial products and services online sa anumang oras naisin nila. Dumadaloy ang impormasyon both ways.

Ang nagbibigay at tumatanggap ng impormasyon ay maaring makipag-ugnayan sa isa’t-isa anumang oras sa anumang panig ng mundo. Armado sila ng mga gamit upang mapatunayan at makumpirma ang impormasyon. Maaari din silang makakuha ng opinyon ng mga eksperto gamit ang Internet.

Marami na ring ginawang pagpapaunlad na ginawa sa pagbuo ng financial at capital markets na ginagawang mas madali para sinuman ay magkaroon ng access sa mga financial products and services. Gayunpaman, ang mga pagpapaunlad na ito ay hindi naisalin sa mas mataas na antas na financial literacy level sa mga Millennials.

Marahil ang isa sa mga dahilan sa likod nito ay ang paraan ng pagtingin ng bawat henerasyon sa pera.

 

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: