Usapang Pera S01E03
“Ang ganda. Ang ganda nito. Alam mo ang gaganda ng mga bahay dito pero and bahay ba talaga ay magandang investment?
“Bago ko sagutin ‘yan, Venus. Kelangan i-define muna natin kung ano ang investment.”
“What is investment?”
“Ang investment ay isang bagay na may halaga na kikita ng pera sa hinaharap. So yung tanong mo kanina kung ang bahay ba ay investment. Magiging depende ang sagot ko d’yan, diba?”
“Oo nga ‘no? E, bakit laging sinasabi eh, mag-invest ka sa bahay.”
“Oo, kung ang bahay, pinaparentahan mo. Kikita ka nun, then that becomes an investment. Kung ang bahay din, binili mo para in the future, ibenta mo sa mas mahal na halaga, kikita ka. Then, investment nga ‘yung bahay.”
Tanong ni Venus, “Pero kung titirhan mo lang?”
“Kung titirhan mo lang s’ya. It’s more of an expense, really.”
Patuloy ni Sir Vince, “Sa school, hindi naman tayo tinuturuan na ang paraan ng pagkita ay pwede rin sa investment. At ang lagi lang sinasabi sa atin ay mag-aral kang mabuti at doon ka kukuha ng kita mo.”
“Tama, para kumita ka. Pafa magtrabaho,” dagdag ni Venus.
“Pero in our age, and sa panahon natin ngayon, kelangan na ng investment to couple or para i-augment, para dagdagan yung kita natin sa pagtatrabaho. Typically, ang investment pumapasok ‘yan na passive income.”
“Anong mas magandang income para sa’yo, Venus, yung pinagtatrabahunan mo o ‘yung kahit hindi ka nagtatrabaho e, meron kang natatanggap?”
“O syempre. ‘Yung nakaupo lang akong ganun,” sabay tawa ng dalawa.
“Ang iba’t ibang klase ng investments ay real estate, stocks, bonds. Ang savings ay isa ring investment. ‘Pag magtatayo ka ng business, investment din ito.”
“Ang unang investment natin dapat ay mag-open o magbukas ng savings account.”
Tanong ni Venus, “Talaga ba?”
“Oo.”
“Parang ang liit liit lang naman… parang wala nga halos kinikita ang savings account.”
“Oo, totoo ‘yan pero kelangan mo munang magpractice ng savings discipline bago ka magpunta sa investment. Kailangan magkaroon ka muna ng emergency savings, makabili ka ng insurance that will cover your life. And then after that, saka pa lang tayo magkakapag-usap ng investment.”
“Okay, so magkano ba talaga dapat ‘yung iniinvest ko?”
“Ideally, you should invest as much as you can. But to simplify, 15% of your income should go to savings. And 20% of your income, should go to investments.”
“Medyo tumatanda tayo like ako 27 years old na ako. Hindi pa ba huli para mag-invest ako?”
“Venus, ang 27 ay hindi pa matanda, ok?”
“Noted, Noted,” sabay tawa ni Venus.
“Marami atang magagalit sa ‘tin kung sabihin natin matanda ang 27. Kung titignan mo ‘yung retirement age mo, if you say you are going to retire at 65. That’s more than 30-35 years pa of doing work and doing investing..”
“Wow, oo nga!”
So, it’s not really too late to do investment. And even if, kung ikaw ay matanda na, no’, 50, 55 years old. Dapat ka pa bang mag-invest? Para sa akin, oo pero kelangan lang i-manage ang expectations.”
Sumangayon si Venus, “Oo nga…”
“So, bakilan natin, yung tanong mo kanina kung ang bahay ba ay magandang investment. So, ‘yung bahay mo, investment ba s’ya?”
“Sa ngayon, hindi.”
“Okay, so paano mo pwedeng gawing investment ‘yun?”
“Pwede siyang parentahan.”
“Oo, of course!. At merong, hindi ko alam if you already heard it, Airbnb? Pwede mong ilagay sa Airbnb.”
“True, alam niyo na.”
“In that manner, pwede mo pa rin s’yang tirhan. And ‘yung few rooms na nandun. Pwede mong parentahan ‘yun ang then, part of it now becomes income to you.”
Many thanks sir Vince sa infos na ito on investment on property. I am feeling great dahil your explanation confirms na tama pala ang ginawa ko na naginvest sa property at ngayon nagpoproduce na ito ng passive income.
Thank you sa very infirmative ninyong topic..nakahinga ako ng maluwag beacause I’ve learned na tama pala desiayon ko..hindi ko na itinuloy ang townhouse unit ko instead yung pangbayad nilagay ko sa investment sa bank…wala ako work binabantayan ko na lang ang stock market everyday kung tumataas ba or bumababa..please tackle more on equity and bonds investments..thank you si much
Thank you din po. Abangan po ang aking next blog entries.