Isa sa mga challenges nating mga Pinoy ay ang mag-ipon. Mahilig tayong gumasta dahil sa instant gratification.
Para ma-solusyunan ito, ugaliin lang na magtabi ng maliit na amount regularly at isang mabisang paraan para gawin ito kapag automatic na nakakaltas sa ating suweldo, para wala na tayong iisipin. May mga automatic debit arrangements na ino-offer ang mga bangko pero nakakawalang gana mag-save sa kanila dahilsa liit ng interest rate na matatanggap. (Watch: Budgeting rule)
MP2 savings
Ang Modified Pag-IBIG Savings II o MP2 ay isang savings program na open para sa lahat ng members ng Pag-IBIG. Kinakailangan lang na more than PhP5,000 ang kinikita kada buwan para mag-qualify dito.
This is a voluntary savings program at ang minimum contribution dito ay PhP500 lang every month. Ang maganda rito, nakasaad sa Circular 276 ng Pag-IBIG na mas malaki ang dividend rate na ibibigay sa MP2 kaysa sa Pag-IBIG Savings I.
Long term savings
Five years ang term ng MP2. Dapat ituring na loang term investment ang MP2 savings dahil hindi ito basta-basta mawi-withdraw.
Puwede itong ma-withdraw before five years with the following circumstances:
- Total disability or insanity
- Natanggal sa trabaho dahil sa pagkakasakit – separation from work by reason of health
- Kamatayan
Dahil sa provision na ito, para sa akin, puwedeng ituring ang MP2 bilang bahagi ng iyong emergency savings. So make sure na ang ilalagay na pera ay naka-match sa mga financial goals na five years or more mo pa kakailanganin. (Read: Saan dapat nakalagay ang emergency fund o emergency savings)
Tax-free and government-guaranteed
Ang kikitaing dividend sa Pag-IBIG ay tax free kaya buong-buo mo itong makukuha, unlike sa savings sa bangko na may 20% withholding tax. Ang kabbuang Total Accumulated Value o yung pinagsama-samang contribution mo, employer counterpart at dividend ay 100% guaranteed ng gobyerno, unlike in banks na hanggang PhP500,000 lang ang covered ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).
High dividend
Nagbibigay ng mataas na dividend ang Pag-IBIG savings na karaniwang mas mataas kaysa sa interest na makukuha sa bangko. Last year ang dividend rate sa Pag-IBIG Savings I ay 7.61% at mas mataas pa ang ibinigay na dividend sa Modified Pag-IBIG Savings II (MP2) na nasa 8.3%.
At 8% per annum tax-free dividend, you will be able to double your money in nine years.
How to open an account
Mag-connect sa Internet at bisitahin ang Modified Pag-IBIG 2 Enrollment System. I-fill up ito at i-submit ang online application form.
I-print ang na-fill up na electronic form na nakalagay ang iyong MP2 account number. Pumunta sa pinakamalapit na branch ng Pag-IBIG at i-sumite ang electronic MP2 form.
Bayaran ang iyong contribution. Ganun lang ka-simple.
Talk to your employer
Kausapin ang HR ng pinagtatrabahuhan at ibigay ang MP2 account number mo sa kanila. Mag-request din kaltasan nila ang suweldo mo at i-deposit ito sa iyong MP2 account para automatic ang pag-iipon mo.
You can also convince your employer na magbigay ng counterpart sa MP2 mo as a form of incentive.
Better than other traditional investments
Sa totoo lang, better ang rates at guarantee na binibigay ng MP2 kumpara sa mga mutual funds and UITFs lalung-lalo na sa kung sa money-market funds, bond funds at balanced funds ito ikukumpara.
Kaya para sa akin, mas magandang dagdagan pa ang savings sa Pag-IBIG at ituring itong long term investment. Mahirap makahanap ngayon ng produktong nakapagbibigay ng mataas na kita, tax-free at 100% guaranteed pa ng government.
Higit sa lahat, nakakatulong ka pang palaguin ang pondong ginagamit ng gobyerno upang lutasin ang backlog natin sa pabahay.
Ive heard a lot of complaints not being able to check their deposit/savings, and im hesitant as they give out dividends higher than bank interests and it seems hdmf lacks transparency. D ba nakakatakot?
They’re working on their online system. Program is 100% guaranteed by the government.
Kung may mp2 at gusto ko pa mag open ilan beses pwede g mag open ng mp2? Pwede advance ang hulog at magkano? Paano gagawin
hi sir vince, dto nlng po ako mag follow up question. so ibig sabihin po dapat regular ang contribution sa P1 habang tuloy2 din ang hulog sa P2 tama po ba?
Hi sir magandang araw poh pwede poh ba maghulog online sa p1 or sa mp2?
Puwede po pero medyo malaki ang charge nila.
What if, totally non member Po ako Ng pagibig. SSS Lang at PHIL HEALTH Ang meron ako. Gusto ko I avail Ang pagibig 2. Pano Po and procedure
Better than other traditional investments
Sa totoo lang, better ang rates at guarantee na binibigay ng MP2 kumpara sa mga mutual funds and UITFs lalung-lalo na sa kung sa money-market funds, bond funds at balanced funds ito ikukumpara.
Totally agree. Although medyo matagal i-process ang withdrawal ng investment. Actual experiences of persons I interviewd say an average of 3 months bago nakuha ang pera. So include that in your projections.
Savings po ba ang MP2 or investment? Kung investment po ito, ano po ang risk and mga fees na babayaran, pano pa malalaman value ng pera mo at any given time? Kung savings, ano po factors that could affect the interest rates? Thank you!
Hi Sir Vince mas okay po bang dito sa MP2 maghulog kaysa sa mutual fund?
Hi. Good eve. I am a private employee. Sir once na n declared ko ang amount of contribution q which is 500. Pwd ko po b dagdagan once na my xtra money ako without changing it thru my employer? Thanknyou
Sir vince good day po! pa ano po ang retirees na willing mag avail ng mp2 ? Example po. My mother po ay mag re retire next year as a teacher and she’s going to apply for mp2. Is she eligible?if yes po.
Since ma stop na po ang monthly contribution niya for mp1 tuloy2 pa rin po ba ang pag contirbute niya ng mp1 until ma reach na ang 5 years term for mp2? Thank you po.
Sir Vince parang bangko din ba ito,,na kapag wla kanang hawak na pera puede kang magwithdraw para may magamit ka?
Hindi po siya withdrawable anytime. 5 years ang term at puwee lang i-withdraw kung nagkaroon ng malubhang pagkakasakit o kaya ay natanggal sa trabaho dahil sa sakit.
Hi sir
Mp2 member po ako. Kaso naging inactive almost a year mula nung last hulog ko . Can I still continue paying the mp2 contribution? Do I need to cover those missed contribution or okay lang na ung current nlng ?Thanks
pwede po ba yun once a year yung hulog for janury to december? paano po yun?
Hi Sir Vince..Paano po magenroll sa MP2 if nasa abroad? Need pa po ba pumunta ng pagibig branch or pwede po makaopen online? Many thanks po
apply po online or send email to pagibig. surest way is to go to consulate or embassy.
Sir Vince, Liable po ba na magbigay ng counterparts ang employer sa MP2 po kung sakaling ipa automatic deduct sa payroll ko ang contributions for MP2?
sir isa po akong active ofw, meron din po kaming contribution sa aking manning agency. Pwede rin po ba ako mag avail ng MP1 at MP2? Saan po maaring mag apply nito. salamat po
Hi po, pwede po ba maghulog kahit ilang beses sa isang buwan? Thank you.
Sa MP2, yes po.
meron din po ba dito sa Korea?
Sir good day pwede po ba akong mag invest ng big amount na isang bigayan lang sa MP2….thanks
Yes, that’s what I did.
Sir,vince ask ko lng po what if ofw tapos gusto mag open ng mp2 so need po muna mag open ng mp1 at voluntary contribution po..pag nka avail na ako ng mp1 kahit isang beses lng hulog in 6 months pwd na avail ng mp2?magkano po dapat ihulog sa mp1 minimum 200 pesos po diba?pag nakaopen na mp1 pwd na ako open mp2 paano po yung mp1 hnd na huhulugan at mp2 lng?paano po yung hinulog ko sa mp1?
Pinakamabuti po na i-activate both ang P1 at MP2. Pay the P1 annually para mabilis, puwede po yun. Hindi naman nawawala ang hulog sa P1 or MP2 kahit po maging inactive.
Sir gud morning po kasi nag huhulog po ako ng 200 per month paano ko po e convert sa MP2 ang aking hulog
Hindi po siya mako-convert. Pre-requisite ang P1 na 200 na hinuhulugan mo ngayon para maka-participate sa Mp2.
hi sir vincent ..ask ko lang po kung paanu po kung 3 year na po natigil sa work at di na po nahulugan ang pag ibig …at isa na po ofw..pwede po ba mg mp2?
basahin po ito: http://vincerapisura.com/paano-i-reactivate-ang-membership-sa-pag-ibig/
Hi, Sir Vincent! Magandang Araw po. Paano po pag nahinto po sa trabaho, pagkatapos ngayon po ay freelancer na, pwede rin po ba sa katulad kong freelancer ang MP2 o kahit iyong P1? O kung hindi man po pwede, meron po ba sa PAG-IBIG na katulad din po nitong P1 at MP2 na para sa mga freelancer? Maraming salamat po!
puwede po ituloy. voluntary member na po ang tawag sa inyo nun. hulugan niyo lang po ang P1 tapos mag-open for MP2.
Hi, Sir Vincent! Magandang araw po. Paano po pag nahinto sa pagtatrabaho pagkatapos ngayon po, freelancer na? Pwede rin po ba ang P1 or MP2 sa katulad kong freelancer?
puwede po ituloy. voluntary member na po ang tawag sa inyo nun. hulugan niyo lang po ang P1 tapos mag-open for MP2.
Paano po kung Sss voluntary member lang. Walang PAGIBIG, puwede po ba magopen ng Mp2? Currently not employed. Paano po magopen? Ano req.? Tnx
Kailangan po munang mag-open ng P1 o ipagpatuloy ito kung meron na dati sa previous employer. After that, saka po mag-open ng MP2.
Paano po kung ngstart na ako ng MP2, at nahinto ng contribution ng ilang buwan,valid pa din ba un at pwede ituloy tuloy until 5 years?
Valid po at puwede pa rin po ituloy.
Pano po pala pag may mga lapses na hulog?
Kung P1 po, kailangang lang na i-up to date ang payment.
Kapag MP2 naman, wala naman pong required frequency to contribute, so hindi po magla-lapse kung hindi nakapaghulog monthly.
sir paano yan walang pag ibig branch dito sa kuwait
Sa embassy po, meron yan.
Isa akong empleyado..pwede po ba na magenroll ako sa mp2 tapis ako nlng miamo personal amg magbabayad nito sa pagibig branch bawat buwan sa halagang 500 pesos?? O requires ako na sa employer ko ito dapat sabiuin??
puwede pong voluntary kahit di na dumaan sa employer.