Ang mga kooperatibang rehistrado sa Cooperative Development Authority (CDA) alinsunod sa Republic Act 9520 ay tatamasa ng probilehiyo, bagay na hindi naibibigay sa iba pang klase ng registered organizations sa Pilipinas tulad ng korporasyon, single proprietorship at iba pa.
Tax exemption
Exempted sa pagbabayad ng buwis ang mga kooperatiba kung ito ay nakikipagtransaksyon lamang sa mga miyembro nito. Ang mga buwis na kasama sa exemption ay ang mga sumusunod: income tax, value added tax, percentage tax, donor’s tax, excise tax at documentary stamp tax
Ang pangunahing layunin ng kooperatiba ay tumulong na pagandahin ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap. Kaya nabibigyan ng ganitong pribilehiyo ang mga kooperatiba.
Preferential right to supply agricultural commodities
Maraming benepisyong makukuha ang mga koopertiba sa gobyerno. May preferential right o pangunahing karapatan ang mga kooperatiba na mag-supply sa mga government institutions ng bigas, mais at iba pang mga butil, isda at iba pang mga marine products, itlog, gatas, gulay, tabako at iba pang agricultural commodities na gawa o ani ng mga cooperative members.
Ang ibig sabihin nito, kung nangangailangan ang gobyerno ng mga agrcultural commodities or products dapat ay bumili ito sa mga kooperatiba dahil sa preferential right o pangunahing karapatan ng kooperatiba.
Preferential treatment for agricultural inputs
May preferential treatment din ang mga kooperatiba sa alokasyon ng fertilizer at alokasyon sa pamamahagi ng bigas ang mga kooperatiba mula sa mga ahensiya ng gobyerno.
Management of public markets
Ang kooperatiba at ang pederasyon nito tulad ng market vendor cooperatives ay may preferential right din sa pagma-manage ng mga public market kasama na rin ang pagrerenta o lease ng public market facilities, stalls and other spaces.
Loans from government financial institutions
May karapatang kumuha ng loans, credit lines at rediscounting ng kanilang mga loan notes ang mga credit coopertaive at pederasyon nito mula sa Development Bank of the Philippines, Land Bank of the Philippines at Philippine National Bank.
Exemption from pre-qualification bidding requirements
Ang mga kooperatibang may business transactions sa gobyerno pati na rin sa mga government owned and controlled corporations ay exempted sa pre-qualification bidding requirements
Legal representation
May prebelihiyo ang mga kooperatiba na i-represent ng provincial o city fiscal o kaya naman ay ang Office of the Solicitor General, na walang bayad, maliban na lang kung ang kalaban ay ang Republika ng Pilipinas.
Special window for financing housing
Ang mga kooperatiba ay may special window din sa mga ahensiya ng gobyerno at government financial institutions para pondohan ang mga housing projects ng kooperatiba. Ang interest rate nito at ang terms and conditions ay dapat mas maganda o kapareho ng ibinibigay sa mga socialized housing projects.
Ang financing na ibibigay ay dapat sa pamamagitan ng blanket loan sa mga qualified cooperatives na hindi na nangangailangan pa ng indibidwal na pagproseso sa mga miyembro nito.