was successfully added to your cart.

Cart

Mga panuntunan sa pakikitungo at pamamalakad ng isang family business

Ang salungatan o conflict sa pagtatayo ng isang family business ay natural. Marami ang umaasa na maiwasan ang conflict pero sa katunayan araw-araw itong nangyayari. Nangyayari ang conflict dahil sa pagkakaiba ng mga gusting maabot ng bawat miyembro ng pamilya at hindi naman parating ang dahilan ay pagkakamali o tinatawag na human error.

Totoo na nakakasagabal ang mga conflict pero kung tutuusin, maaring ding tingnan ito bilang oportunidad. Nasa nagdadala kung paano haharapin ang problema at kung paano ito lulutasin. Imposibleng matanggal nang tuluyan ang conflict kaya kinakailangan itong bigyan ng pansin.

Ang tungkulin ng bawat miyembro ng pamilya ay i-manage ang conflict upang hindi ito lumaki nang hindi naman kinakailangan at malutas ito upang magbigay daan sa magandang performance sa bawat isa. Narito ang aking mga panuntunan na maaring gamitin at sundin upang mapanatili ang mapayapa at mapagpayamang pagnenegosyo kasama ang pamilya.

Linawin ang roles and responsibilities ng bawat isa

Makikita kung malinaw ang roles and responsibilities ng bawat isa kung ang mga nakasama lamang sa payroll sa negosyo ay ang mga nagtatrabaho sa family business. May mga family business kasi na inilalagay ang isang miyembro ng pamilya sa payroll dahil sa pagiging bahagi ng pamilya at hindi ng kaniyang kontribusyon sa negosyo.

Mahalagang isulat ang job description at ilagay ito sa isang employment contract para malinaw ang aasahan sa bawat miyembro ng pamilyang nagtatrabaho sa family business. Nakasulat dapat ditto kung magkano ang suweldong kikitain at mga panuntunan kung magkakaroon ng bonus o kaya naman ay kasunduan sa paghahati-hati ng kita.

Dahil ang kapamilya ay empleyado ng negosyo, dadaan dapat ang miyembro sa performance review katulad ng karaniwang empleyado. Ito ay para mapanatiling propesyunal ang pakikitungo sa negosyo.

Magkaroon ng patas na pagtrato sa mga kapamilya at di-kapamilya

Sa maraming family business may dalawang klase ng empleyado – ang mga kamag-anak na empleyado at ang mga di-kamag-anak na empleyado. Masama ito sa pamamalakad ng negosyo.

Maging maingat sa pagbibigay ng special treatment sa mga kamag-anak dahil pagmumulan ito ng intriga at demoralisasyon sa mga di-kamag-anak na empleyado. Nagbibigay ng masamang halimbawa sa ibang empleyado kung binibigyan ng pabor ang mga kamag-anak sa negosyo.

Kinaikailangang iparamdam sa mga hindi ka-mag-anak na may patas silang pagkakataon sa pag-angat sa kumpaniya na katulad ng kamag-anak sa negosyo.

Iwasang gamitin ang emosyon sa pagdedesisyon

Mahirap iwasang maging emosyonal sa paggawa ng desisyon sa isang family business dahil kadugo ang pinakikitunguhan. Laging isaalang-alang ang balanse ng pamilya at negosyo.

Totoo na mauuna parati ang kapakanan ng pamilya. Kaya kung nakakasagabal ang negosyo sa kapayapaan ng pamilya, mas magandang hindi na lang magtrabaho sa family business ang kapamilya.

Ang pagbibigay ng pabuya o parusa ay hindi dapat naka-base sa kamag-anak ang empleyado o hindi. Kinakailangang bigyan ng papuri ang mabuting trabaho at karampatang parusa naman ang kabaliktaran nito. Iti dapat ay ipinapatupad kaninuman sa sa negosyo.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: