Leverage ang tawag kapag ang isang kumpaniya o negosyo ay humiram ng pera bilang source ng kapital sa kaniyang pagi-invest o kaya naman ay pagpapalago ng kaniyang operations. Ito ay isang investment strategy kung saan ang paggamit ng inutang na pera ay ginagamit upang palakihin ang return on investment.
Tinatawag din na leverage ang halaga ng kabuuang utang ng isang kumpaniya o negosyo na ginagamit nito pambili ng kaniyang mga assets o ari-arian. May mataas na leverage ang isang kumpaniya kung mas malaki ang kabuuang utang nito sa kaniyang kabuuang equity.
Formula: Leverage = Assets ÷ Equity
Halimbawa ng leverage
Ang isang kumpaniya ay nabuo gamit ang PhP1 na milyong piso mula sa mga investors, kaya ang equity ng kumpaniya ay PhP1 million. Kapag ang kumpaniya ay humiram ng PhP4 na milyong piso, may kabuuan na itong PhP5 milyong assets na pang-invest sa kaniyang business operations.
Sa halimabwa natin, 500% o five times ang leverage. Masasabing mas may oportunidad ang negosyong palakihin ang return on investment nito sa kaniyang mga investors gamit ang leverage.
Ingat sa paggamit ng leverage
Ang leverage ay isang komplikadong investment strategy na kailangang pag-isipang mabuti at lalagyan ng ibayong pag-iingat. Maaaring tumaas ang profitability ng kumpaniya sa pamamagitan ng leverage pero dahil ito ay utang, mak kasama din itong panganib o risks.
Pinapalaki ng leverage ang income o losses ng investor sa pamamagitan ng leverage. Kapag kumita at maayos ang gamit nito, gaganda din ang kita ng mga investors. Ganun din kapag may lugi, kapag may lugi, mas lalala ang lugi ng mga investors.
Read also:
Mga kailangang malamang kalkulasyon upang masiguradong kumikita ang negosyo: Profit margin
Mga kailangang malamang kalkulasyon upang masiguradong kumikita ang negosyo: Asset turnover