Ang ibig sabihin ng asset turnover ratio ay ang halaga ng sales o revenues ng isang kumpaniya o negosyo kumpara sa halaga ng lahat ng ari-arian o assets nito. Kadalasang ginagamit ito upang mlaman kung gaano ka-efficient gamitin ng isang kumpaniya ang kaniyang mga ari-arian sa pag-generate ng sales.
Formula: Asset turnover = Sales ÷ Total Assets.
Gamit ng asset turnover
Halimbawa, ang isang kumpaniya ay may sales na PhP1 million at ang kabuuang assets nito ay PhP10 million. Ang asset turnover nito ay 10% (1 million ¸ 10 million). Ibig sabihin, nakapagbenta ito ng sampung sentimo sa bawat pisong asset o 10 centavos of sale for every peso of asset.
Generally speaking, habang tumataas ang asset turnover ratio, gumaganda ang performang ng kumpaniya o negosyo. Nangangahulugan kasi itong nakakapag-generate ng mas malaking sales o benta ang isang kumpaniya kasa piso ng asset.
Kinakailangang suriin ang asset turnover sa bawat sector o industriya ng negosyo. Ang mga nasa retail industries, halimbawa ay nangangailangan lamang ng maliit na assets sa pagpapatakbo nito at dahil kadalasang mabilis din ang benta ay talagang mas malaki ang sales kaysa sa assets nila kada taon.
Sa mga negosyo naman tulad ng utilities o telecommunications na nangangailangan ng maraming infrastructure o assets at mas maliit ang sales ay may mababang asset turnover ratio. Kaya suguraduhing tingnan ang industry standards ng business sector para magkaroon ng meaningful comparison.
Compare historical figures
Para lubusang makita ang trend ng asste turnover at magkaroon ng mas magandang idea sa performance ng isang kumpaniya o negosyo, mas magandang titingin tayo sa historical performance nito. I usually get at least three years of historical figures para makakita ng trend.
(Read also: Mga kailangang malamang kalkulasyon upang masiguradong kumikita ang negosyo: Profit margin)