Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Finance Success: Galit
Ito ang sabi sa akin ng aking tiyuhin, isang malayong kamag-anak, isang gabi ng Linggo. Natulala ako.
Dalawa ang mali sa sinabi niya. Una, hindi tamang palayasin ang magulang mo.
Hindi ako religious pero naniniwala ako sa Ikaapat na Utos – igalang mo ang iyong mga magulang. Kailangan itong sundin sa anumang panahon.
Ikalawa, hindi tamang palayasin ka sa sarili mong bahay. Malamang na galit na galit ang pinsan ko para magawa nya ito.
Dalawang taon ang tanda niya sa akin at mukha siyang sanggano. Nasa elementary kami nang ipatawag ng Principal ang aking tiya dahil nakipagsuntukan siya.
Noong high school naman, madalas na siyang nagsusugal, naglalasing, at kasa-kasama ng mga gangster. Nag-drop out na siya noong first year college.
Kapag nakakarinig ako ng balita tungkol sa kanya, lagi siyang nasasangkot sa gulo. Limang taon na ang nakararaan, nakulong siya dahil sa pagdadala ng baril. Nito lang nakaraan, nagpadala ako ng tulong pinansyal dahil na-ospital siya nang masangkot sa away.
Malamang marami sa inyo ang nakaka-relate sa ganitong sitwasyon. Tinatawag natin silang black sheep sa pamilya.
Bakit ito nangyari?
Nabanggit ko kanina, nagsimula sa maliit, simpleng pagkainis at irirtasyon na hindi naresolusyonan. Lumaki siyang palaaway dahil hinayaan siyang maging ganito.
Walang sinumang sa kanyang pamilya ang nanindigan para disiplinahin siyang mabuti. Dahil dito, inakala niyang tama ang kanyang ginagawa, kaya’t maaari niyang hingin kung anuman ang gustuhin nya.
Ang maling paniniwala na lagi siyang tama pati na ang maling katwiran ng aking pinsan ang pinanghahawakan niya kaya’t may karapatan siya sa bawat hilingin. Kapag hindi nasunod ay nagagalit siya.
Buong buhay niya ay naipon ang galit dahil walang sumaway sa kaniya. Walang nagsabi na hindi tama ang kanyang ginagawa. Isang araw ay bigla na lamang siyang sumabog.
Ano ang kanyang ikinagalit?
Nagalit sa tiyuhin ko nang subukan nitong ipagkait sa kanya ang mga karapatan na akala niya ay tama at para sa kanya. Naging dahilan ito para palayasin nya ang kanyang mga magulang.