was successfully added to your cart.

Cart

Mga Emosyong Nakakasagabal sa Personal Finance Success: Galit

Binibigyang kahulugan ng Oxford dictionary ang galit bilang emosyon na nagpapasama ng loob at agresyon na umusbong mula sa isang maling gawi.  Isa ito sa limang emosyon na nakakasagabal sa personal financial success, bukod pa sa apat – ang takot, bagabag, hiya, at inggit.

May tatlong uri ng galit na nakahahadlang sa atin sa personal finance success. Ito ay ang galit sa pamilya, galit sa pera, at galit sa mundo.  Ang huling dalawa ay mga idiomatic expressions din na mauunawaan ng mga Filipino.

Tumataas ang emosyon kapag galit ang isang tao.  Nagiging hindi makatwiran ang mga kilos at pag-iisip.

Totoong mahirap gumawa ng tamang desisyon ang isang tao kapag siya ay galit dahil hindi malinaw ang kanyang pag-iisip.  Maraming saklaw ang galit mula sa iritasyon at pagkainis, poot, at sindak.

Ang pinakamatindi ay ang mapatay ng isang tao ang sarili o ang iba dahil sa galit. Hindi lamang umusbong ng isan gabi ang poot.

Nagsisimula ito sa mga simpleng pagkainis at iritasyon. Kapag hindi ito na-proseso, maiipon ito bilang poot.

Katotohanan rin ito sa personal finance.

Tingnan halimbawa ang taong baon sa utang.  Hindi gumising ang taong ito isang araw at marami na siyang utang.

Nagsimula ito sa maliliit na utang at naipon sa paglipas ng panahon.  Kapag hindi ito nagawan ng paraan, maiipon ito at maghihirap ang tao.

Kapag hindi nabigyan ng solusyon ang mga problema, lumilikha ito ng iritasyon at ikaiinis mo.  Kapag nangyari ito, mapapagod ang tao, at sasabog na lang isang araw ang kanyang poot.

Galit sa Pamilya

Mahalaga sa mga Filipino ang pamilya. Marami nga sa atin ay ito ang prioridad kaysa ibang bagay.

Nagiging dahilan ito na kapag may nangyaring samaan ng loob sa pamilya ay nagiging sanhi ng dalamhati ng indibidwal.  Ang hindi naresolbang problema sa pamilya ay nauuwi sa galit sa kapamilya.

Kapag nangyari ito, ang pinakapangunahing pinagmumulan ng good personal finance ay nakaaapekto nang masama sa financial planning ng at para sa pamilya.  Kapag may samaan ng loob ang magpapamilya, mahirap bumuo ng nagkakaisang financial goals na mapagtutulungan ng lahat.

“Pinalayas ako ng pinsan mo.”

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: