was successfully added to your cart.

Cart

Mga eco-opportunities na pinagmumulan ng oportunidad upang makapagtayo ng negosyo

By August 5, 2017 Business

Usong-uso ngayon ang maging environment friendly kaya maraming mga nagosyo ang namamayagpag kung ang mga ito ay hindi nakakasira sa kalikasan kundi nakapagpapaganda pa nito. Green business kung ito ay tawagin.

Sa panahon natin, hindi maikakaila ang epekto ng climate change lalong lalo na dito sa Pilipinas kung saan damang-dama natin ito. Ang mga green businesses ay naglalayong magbigay ng mga produkto at serbisyo upang tugunan ang mga needs and wants ng mga customers na hindi nakakasira sa inang kalikasan.

Maraming mga green business na maaring itayo katulad ng organic farming, renewable energy at paggamit ng mge eco-friendly materials sa paggawa ng mga produkto. Bibigyan ko ng focus ang tatlong eco-opportunities—Reducing, Reusing at Recycling—kung saan maaring makapagtayo ng green business.

Reducing

Ang “reducing” ay ang pagbabawas ng aksaya sa pagkonsumo. Ito ay sa paniniwalang kung mas kakaunti ang gagamiting materyales, mas kakaunti ang epekto nito sa inang kalikasan at may matititra pang magagamit ang mga susunod na henerasyon.

Sa mga architects, engineers at real estate developers, patok ito ngayon sa dahilang gumagawa sila ng mga disenyo ng mga pinapatayo nila na nangangailangan ng mas kaunting materyales. Halimbawa kung pinagaaralan nila ang natural na daloy ng hangin at init ng araw sa pagpapatayo ng bahay ay mababawasan ang pangangailangang bumili ng appliances tulad ng aircon para lumamig ang bahay.

Reusing

Ang “reusing” naman ay ang paghahanap ng iba pang maaring paggamitan ng isang bagay na patapon na. Maari ring maghanap ng iba pang taong maaring makagamit pa ng isang bagay.

Halimbawa, ang Human Nature—isang social enterprise na nagbebenta ng mga personal care products tulad ng shampoo, sabon at iba pa—ay nanghihikayat ng kaniyang mga customers na i-reuse ang mga basyong nagamit na nila.

Maaring pumunta ang customer gamit ang lumang basyo ng Human Nature shampoo at i-refill ito sa tindahan nila. Hindi na kinakailangang gumamit pa ng bagong materyales sa paggawa ng basyo. Nababawasan din ang basurang kailangang itapon sa ating mga landfills.

Sa ganitong paraan, mas nakakatipid ang customer sa presyo, kumikita ang negosyo at napapangalagaan ang kalikasan.

Recycling

Ang recycle ay ang paggamit ng basura at ginagamit itong input materials upang makagawa ng bagong produkto. Ito marahil ang pinakasikat sa mga eco-opportunities.

Ang “Rags2Riches” at “Habi Footwear” ay kapwa mga social enterprises na gumagamit ng recycling sa paggawa ng kanilang produkto. Gumagamit sila ng retasong tela upang makagawa ng bags sa kaso ng Rags2Riches at mga sapatos naman sa kaso ng Habi Footwear.

Kayo, anong green business ang naiisip niyo?

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: