was successfully added to your cart.

Cart

Mga dapat ihanda sa panahon ng economic crisis upang maka-alpas

Bangkok, Thailand – Sa bansang Thailand nagsimula ang Asian financial crisis noong 1997.

Nasa kolehiyo ako noon nang maganap ang Asian financial crisis. Bumulusok ang palitan ng piso sa dolyar at biglang tumaas ang interest rate sa mga bangko.

Mula Php26 kada dolyar, sumadsad ang piso sa Php46. Tumaas naman ang interest mula 10% per annum sa 42% per annum.

Malubha ang naging epekto nito sa ekonomiya lalung-lalo na sa maliliit na negosyante. Damang-dama ko ito dahil isa sa mga tinamaan ay ang negosyo ng aking mga magulang.

Ang krisis ay cyclical, ibig sabihin maari itong maulit. May mga ekonomistang nagsasabing ang pagbagsak ay bahagi ng paglago.

Dahil may tsansang maulit ang isang economic crisis, kailangan natin itong paghandaan. Hindi man natin ito maiiwasan nang lubusan pero maaari nating mabawasan ang negatibong epekto nito.

Exit strategy

Si Sir Vince at ang kanyang kapatid sa isang temple sa Bangkok, Thailand

Ang isa sa pinakamabisang paraan upang mabawasan ang negatibong epekto ng krisis ay ang paggawa ng financial plan. Kinakailangang ang financial plan ay may worst case scenario at inilalatag nito ang mga dapat gawin.

Limit debt exposure

Upang makaiwas sa biglaang pagtaas ng interest sa utang, maiging limitahan ang utang. Sa negosyo, depende sa industriya, may mga recommended na debt to equity ratio.

Kung ako ang papipillin ang pinakamainam na sitwasyon ay walang utang o mangungutang lang ng katumbas ng equity o sariling capital.

Cash is king

Mahalaga ang liquidity sa panahon ng krisis dahil madaling makakabili ng mga pangangailangan o makakabayad ng utang.

Maaaring maging oportunidad ang isang krisis dahil may mga bagay na magiging bagsak-presyo. Kadalasan ito ay ang mga real estate, mutual funds, UITF at stock market.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: