was successfully added to your cart.

Cart

Mga dapat gawin kung nawalan ng wallet

Buong buhay ko, tatlong beses na akong nawalan ng pitaka. Una ay noong 1996 at bagong salta ako sa Maynila bilang freshman sa Ateneo de Manila University. Sumakay ako ng bus sa EDSA pauwi sa amin, siksikan at naipit ako sa unahan ng bus.

Ayun, nadutukutan ako. Lesson learned para sa isang probinsiyanong tulad ko. Talagang mas mabubuti ang loob ng mga taga-probinsiya kaysa taga-siyudad.

Pangalawa ay noong 2008. Nadukutan na naman ako. Nangyari ito sa loob ng train minsang magbakasyon kami ng partner ko sa Athens, Greece.

Kasagsagan ng sub-prime world financial crisis at matindi ang tama nito sa Greece. Pangit ang ekonomiya kaya siguro mataas ang krimen..

Itong huli ay noong 2017. Inihatid namin ang mga pinsan ko sa bahay nila at nawaglit ko ang aking pitaka. Ayun, nawala, di na namin nahanap.

So, anu-ano ang mga dapat gawin kapag nawalan ng wallet?

Photocopy

Bago pa mawala ang pitaka, magandang practice ang magkaroon ng photocopy ng mga mahahalagang dokumento o card na laman nito, tulad ng driver’s license, professional license, credit card at ATM card.

Itago ang mga ito sa isang safe na lugar sa bahay. Puwede ring kunan ng mga litrato ang mga ito at itago sa phone o kaya ay sa cloud/email; pero may risk ng identity theft. Gagawin mo ito bilang preparation kapag nangyari na ang di kanais-nais, ang mawala ang iyong wallet.

I-block ang credit cards at ATM cards

Magiging handy ang photocopies mo dahil ang una mong dapat gawin ay ipa-block ang iyong credit card at ATM card dahil baka may gumamit.

Noong 1996, wala pa naman credit card, ATM lang. Madali ko itong napa-block at wala namang nabawas sa pera ko sa bangko. Well, estudyante pa ako noon kaya halos maintaining balance lang naiiwan sa ATM ko, hehe.

Ibang kuwento sa Greece, lumipas ang isang oras nang matawagan ko ang credit card company. Agad na itong nagamit ng mandurukot at naikaskas na. USD3,000 na ang inabot.

Nanlumo ako.

Buti na lang may dispute process ang credit card company at napatunayan ko namang, talagang hindi ako ang gumamit ng card. Hindi nila ito pinabayaran sa akin.

Itong huling pagkawala ng wallet ko, kakaiba naman ang nanngyari. Isang araw may nag-message sa akin sa FB, tinatanong kung kamag-anak ko daw ang isang tao.

Apparently, ang ginawa ay pinapakita ang driver’s license ko sa ibang tao at ibinibidang kamag-anak o kaibigan ko daw sila. Sabay mangugutang, tapos sasabihing ako ang guarantor.

Scary!

Kakaloka din naman yung nagpautang. Hindi sinunod ang mga pamantayan ko sa pagkilatis sa taong nangutang – hindi sapat ang awa at tiwala.

Nakakaloka din kasi ginamit ang pangalan ko pang-scam. Kaya mag-ingat kayo.

I-report sa pulisya

 Kaya dapat, i-report natin sa pulisya o sa barangay ang nawalang wallet para may official record ng pagkawala nito. Maari itong maging katibayan sakaling gamitin ang identity mo ng mga masasamang loob.

Renew IDs and cards

Unfortunately, kinakailangan mong i-replace mg ID, credit card at ATM cards mo.

Sa experience ko, credit card ang pinakamadali dahil sa telepono lang ang request for replacement ng lost card. Within 5 banking days, matatanggap na ang credit card via courier mail.

Kinakailangan namang magpunta sa bank branch of account ng dalawang beses para sa ATM card replacement. Una para i-report at mag-request ng replacement. Pangalawa kapag kukunin na ang ATM card at maglalagay ng iyong PIN.

Pinaka-hassle ang mga government IDs tulad ng driver’s license, PRC license, SSS, Pag-IBIG at iba pa dahil no choice na pumila at magpawis para sa mga ito.

Bring only the essentials

Dahil sa mga karansang ito, I bring a small wallet that contains only the most important – isang credit card, isang ATM, kaunting cash at driver’s license.

The rest nakalagay sa bag.

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: