Depende sa financial goals mo.
Laging tandaan na dapat naka-match ang financial goals/purpose mo sa iyong investment vehicles. Ang investment na maganda para sa iyo ay maaring hindi maganda sa iba. Ito ay dahil magkakaiba ang ating mga financial goals
1. Ano ang gamit ng lupa?
Karaniwang bumibili ang mga tao ng lupa upang magpatayo ng bahay. Kung balak mong patayuan ito ng bahay na titirhan, siguraduhing mas mura ang gagastusin sa bahay at lupa kumpara sa binabayarang renta.
Ang productive life ng bahay ay karaniwang nasa 20 taon. Halimbawang nagpatayo ng bahay at lupa worth PhP2 million. Ang monthly depreciation nito ay PhP8,333.
Kung ang binabayaran mong renta sa bahay ngayon ay PhP10,000, good investment ang pagbili ng lupa na papatayuan ng bahay. Makaka-menos kasi in the long run.
Pero kung ang binabayaran mo ngayon sa renta ay PhP5,000, hindi ito sulit.
2. Kailan mo kailangang maibalik ang pera sa iyo?
Kung ang pera inilagay mo sa lupa para puwede mo itong maibenta sa mas malaking halaga in the future para pandagdag sa retirement fund mo. Dagdag pa dito, may at least 10 years ka pa bago mag-retire, ang lupa ay magandang investment.
May match kasi sa investment horizon mo at characteristic ng lupa as an investment. Totoo na tumataas ang value ng lupa habang tumatagal pero hindi ito madaling ibenta.
Sa kabilang banda naman, kung ang pera nilagay mo sa lupa pero ang purpose nito ay para may magamit ka in times of emergency, hindi magandang investment ang lupa.
Gusto mo bang mapag-aralan pa ang tungkol sa estate planning? Sumali sa Retirement and Estate Planning Webinar sa December 8 and 15, 2023.
Details at http://vincerapisura.com/webinars. Mag-register na sa https://bit.ly/rpwebinar-register
Maaari bang malaman ang formula para sa depreciation? Magkaiba ba ang formula para sa iba’t ibang klase ng property?